Mga deboto ng poong Jesus Nazareno, hinimok na huwag manatili sa ritwal na pamumuhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 495 total reads

Hinimok ng arsobispo ng Maynila ang mga deboto ng Poong Jesus Nazareno na isabuhay ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong pagbabago sa pang-araw-araw na buhay, sa halip na manatili lamang sa mga ritwal, panata, at emosyon tuwing Traslacion.

Sa kanyang pagninilay sa concluding Mass ng 2nd Balangay National Conference of Hijos del Nazareno sa Pasay City nitong October 10, binigyang-diin ni Cardinal Jose Advincula na ang mga aral at karanasang natutuhan sa pagpupulong ay hindi dapat manatili sa loob ng pagtitipon, kundi magbunga ng tunay na pagbabago sa sarili at malasakit sa kapuwa.

“Ang debosyon ay hindi nasusukat sa emosyon ng Traslacion, kundi sa transpormasyon o pagbabago ng ating pang-araw-araw na buhay,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang tunay na debosyon ay nasasalamin sa pagsunod sa kalooban ng Diyos at sa tapat na pakikitungo sa kapwa.

“Kung nagbubuhat po tayo ng krus sa loob ng Simbahan, ngunit nandaraya naman tayo sa ating kapuwa sa labas, huwad ang ating panata,” ayon pa sa kardinal.

Hinimok ng kardinal ang mga kalahok na isabuhay ang tema ng nalalapit na Nazareno 2027 na “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon” sa pamamagitan ng konkretong pagmamalasakit sa kapuwa at pagsasabuhay ng Ebanghelyo.

Ayon kay Cardinal Advincula, hindi sapat na makinig sa mga talakayan, makibahagi sa mga panalangin, at magpalakpakan sa mga pagtitipon kung hindi naman naisasalin sa pang-araw-araw na buhay ang mga aral ng pananampalataya.

Iginiit ng kardinal ang pangangailangang pairalin ang pagbubuklod at pagtutulungan sa loob ng Simbahan, sa kabila ng mga pagkakaiba sa katayuan at impluwensiya.

Tinuran nito ang mga pagkakahating umiiral sa lipunan, partikular ang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap, gayundin sa pagitan ng mga makapangyarihan at mga nasa laylayan.

“Ang ating balangay ay hindi isang eksklusibong yate para lamang sa iilang VIP. Isa itong sasakyan ng buong komunidad,” giit ni Cardinal Advincula.

Aniya, dapat makita sa komunidad ng mga deboto ang pagpapakumbaba, pakikiisa, at malasakit sa mga maralita, bilang pagsunod sa halimbawa ng Poong Jesus Nazareno.

Sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ng bansa, kabilang ang kahirapan at korapsyon, sinabi ni Cardinal Advincula na mahalagang magkaisa ang mga mananampalataya upang maipagpatuloy ang kanilang misyon.

“Hindi tayo nag-iisa sa bako-bakong daan. Kung tayo ay magkakaisa bilang isang balangay, ang ating pagdadamayan ang magiging highway ng pag-asa para sa ating bayan,” aniya.

Paalala ng pastol ng Maynila sa mga deboto na huwag iwan sa lugar ng pagtitipon ang kanilang mga panalangin, aral, at pangarap, kundi dalhin ang mga ito sa kani-kanilang pamayanan at isabuhay sa araw-araw.

“Humayo kayo at tuwirin ang daraanan ng Panginoon. Iyan po ang tunay na Traslacion,”
saad ni Cardinal Advincula.

Dumalo sa ikalawang pagtitipon ng mga balangay ang mahigit 6,000 indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kung saan aktibo ang debosyon sa Poong Jesus Nazareno.

Nakiisa sa pagtitipon ng mga balangay ang mga paring itinalagang spiritual director ng mga deboto ng Jesus Nazareno mula sa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas at sa abroad kung saan isinagawa rin ang panunumpa sa katapatan ng mga deboto at pagsasapubliko ng logo ng Nazareno 2027.

Nagpasalamat naman si basilica rector at parish priest, Fr. Ramon Jade Licuanan sa lahat ng dumalo at tumugon sa paanyaya ng Quiapo Church na layuning paigtingin ang mga paghuhubog sa mga deboto upang higit na lumalim ang debosyon sa Panginoong Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 96,549 total reads

 96,549 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 190,579 total reads

 190,579 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 234,847 total reads

 234,847 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 257,956 total reads

 257,956 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 328,676 total reads

 328,676 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top