Mga katutubo, hinimok ni Bishop Andaya na maging matatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,426 total reads

Hinimok ni Cabanatuan Bishop Prudencio Andaya ang mga katutubo na manatiling matatag sa pagtataguyod ng kanilang dignidad at karapatan bilang bahagi ng Simbahang Katolika at mga anak ng Diyos.

Sa kaniyang mensahe para sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Sunday sa Sitio Bacao, Palayan City, Nueva Ecija, tiniyak ni Bishop Andaya na hindi nag-iisa ang mga katutubo sa kanilang paglalakbay, dahil kasama nila ang Simbahan sa pakikinig sa kanilang mga saloobin at pakikiisa sa kanilang misyon.

Binigyang-diin ng obispo na nararapat kilalanin ang dignidad ng mga katutubo bilang mga kapatid kay Kristo, gayundin ang kanilang mahalagang papel sa buhay at misyon ng Simbahan.

Hinikayat din niya ang mga ito na magpatuloy nang may lakas ng loob, sa katiyakang hindi sila pababayaan ng Simbahan sa pagsusulong ng kanilang mga adhikain.

Binigyan-diin ni Bishop Andaya ang kahalagahan ng sama-samang paglalakbay ng Simbahan at mga katutubo, sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga karanasan, pagkilala sa mga pangangailangan, pagsuporta sa misyon at mithiin.

“May isa po akong mensahe para sa mga katutubo ngayon.Sa araw ng Indigenous Peoples Sunday dito sa Bacao, hindi po kayo nagiisa bilang mga kapatid namin. Kayo po ay bahagi po ng ating simbahan, kayo po ay may dignidad, kayo po ay kabahagi rin ng mga anak ng Diyos dito sa lupa.So, keep courage mga katutubo, we will always be together with you sa paglalakbay. Makikinig kami sa inyo at sabay-sabay tayong magmisyon,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Andaya.

Ang pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Sunday ngayong taon ay nakatuon sa pakikiisa sa mga katutubo, partikular sa pagtatanggol sa kanilang mga karapatan, lupang ninuno, kalikasan, at kultura.

Pinangunahan ito ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), katuwang ang Diyosesis ng Cabanatuan, bilang pagpapahayag ng paninindigan ng Simbahan na makilakbay sa mga katutubo at kilalanin ang kanilang dignidad at mahalagang ambag sa lipunan at sa pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 70,489 total reads

 70,489 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 210,498 total reads

 210,498 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 326,274 total reads

 326,274 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 444,219 total reads

 444,219 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 93,366 total reads

 93,366 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top