Mamamayang Pilipino, hinimok na makialam sa kalagayan ng mga katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 926 total reads

Hinimok ni Tony Abuso, Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), ang mga Katoliko at iba pang Kristiyano na higit na makialam sa kalagayan ng mga katutubo upang makatulong sa pagtatanggol sa kanilang lupang ninuno, kalikasan, at kultura.

Sa kaniyang mensahe para sa National Indigenous Peoples Sunday sa Sitio Bacao, Barangay Doña Josefa, Palayan City, Nueva Ecija, binigyang-diin ni Abuso ang kahalagahan ng pagbubukas ng kamalayan, pakikinig, at pakikiisa sa mga katutubo upang maunawaan ang kanilang mga karanasan at matugunan ang kanilang mga hinaing para sa susunod na henerasyon.

Umaasa rin si Abuso na sa pamamagitan ng pagdiriwang ay mas maraming mananampalataya ang mahihikayat na makiisa sa mga katutubo at suportahan ang kanilang mga adhikain.

“Unang-una, binabati ko ang ating mga kapatid na katutubo sa araw na ito, Linggo ng Katutubong Pilipino. Mabuhay ang mga katutubo! So sa pagkakataon pong ito, nagpapasalamat tayo sa host diocese, ang Diocese of Cabanatuan, sa pangunguna ni Most Rev. Prudencio P. Andaya Jr., ang Obispo ng Cabanatuan. At siyempre po, kasama natin ang ating Tagapangulo ng ECIP, si Bishop Moises Cuevas. Siya rin po ang Obispo ng Calapan, ay nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang na ito. Siguro po, ‘yung sinabi ng ating mga obispo kanina na talagang mamulat, makinig, at makilakbay sa ating mga kapatid na katutubo ay talagang po natin isakatuparan. ‘Yun po ‘yung talagang diwa ng pakikiisa natin sa mga kapatid nating katutubo, at nang sa ganun, makita natin ang sitwasyon at makiisa tayo sa sitwasyon na ito para maipagtanggol ang kanilang lupang ninuno, ang kalikasan, at ang kanilang kultura,” Ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Abuso.

Ikinatuwa ni Palayan City Mayor Viandrei Nicole Cuevas ang pakikiisa ng Simbahang Katolika sa mga katutubo sa kanilang lungsod, partikular sa pagbibigay-pansin sa kanilang mga saloobin at pangangailangan.

Ayon kay Cuevas, mahalagang maramdaman ng mga katutubo na naririnig ang kanilang mga hinaing, lalo na sa pamamagitan ng suporta ng Simbahan sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Sunday.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng CBCP-ECIP, katuwang ang Diyosesis ng Cabanatuan, bilang pagpapahayag ng pakikiisa sa mga katutubo at pagtataguyod sa kanilang mga karapatan, lupang ninuno, at kultura.

Binigyang-diin sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Sunday ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang maitaguyod ang dignidad at karapatan ng mga katutubo, gayundin ang pagtatanggol sa kanilang mga lupang ninuno, kalikasan, at kultura.

Sa pangunguna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), katuwang ang Diyosesis ng Cabanatuan, layunin ng pagdiriwang na higit na mamulat ang mga mananampalataya sa kalagayan ng mga katutubo, makinig sa kanilang mga hinaing, at makilakbay sa kanilang pagsusulong ng kapakanan ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,984 total reads

 11,984 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 240,165 total reads

 240,165 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,631 total reads

 133,631 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,660 total reads

 227,660 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 271,415 total reads

 271,415 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 34,448 total reads

 34,448 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top