Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,830 total reads

Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!” Sinambit niya ang mga salitang ito para patamaan ang mga aniya’y “nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan.” Doon nagsimula ang paghalungkat sa mga flood control projects na nababalot ng anomalya.

Pero kung pagbabatayan ang natuklasan ng grupong People’s Budget Coalition sa General Appropriations Bill na inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, mukhang nakahanap ang mga kongresista ng bagong paraan upang makakuha ng malaking pondo ang kani-kanilang proyekto. Umabot daw sa isang trilyong piso ang halaga ng mga kuwestiyonableng proyekto sa pambansang budget, kabilang ang pitong libong infrastructure projects na nagkakahalaga ng 190 bilyong piso. Kung noon ay flood control projects ang binuhusan ng bilyun-bilyong piso, ngayon naman daw ay mga multipurpose buildings ang paglalaanan ng napakalaking pondo.  

Ayon sa People’s Budget Coalition, isiningit ng mga kongresista ang mga proyektong ito sa budget ng Department of Public Works and Highways (o DPWH) nang walang kalakip na detalye o supporting documents. Walang transparency, sa madaling salita. Natuklasan pa ng grupo na ang pondo para sa mga imprastrakturang ito ay inalis sa central office ng DPWH at inilipat sa mga district offices ng kagawaran. Sounds familiar, hindi ba?

Dapat nating pasalamatan ang mga grupong katulad ng People’s Budget Coalition dahil binubusisi nila ang perang pinaghirapan at pinag-ambag-ambagan nating lahat bilang mga taxpayers. Ang mahigit 5,000 nitong volunteers ay tinatawag nga ngayon bilang “angry nerds”—mga bihasâ sa teknolohiya at mabutingting sa datos na labis nang naiinis na sa korapsyon at kawalan ng pananagutan ng ating mga lider. Sa halip na idaan sa karahasan ang kanilang galit, ginagamit nila ang kanilang kaalaman para metikulosong suriin ang nakalululang budget ng gobyerno at ipaliwanag ito sa publiko sa simpleng paraan at papanagutin nga ang mga pulitiko. 

Tahimik ang karamihan sa mga mambabatas sa natuklasan ng People’s Budget Coalition, pero may isa sa kanilang tinawag na walang alam sa proseso ng paggawa ng budget ang mga “angry nerds.” Ayon kay House Deputy Speaker and Antipolo City Representative Ronnie Puno, hindi raw gumagawa ng budget ang Mababang Kapulungan. Nirerepaso at ina-adjust lang daw nito ang ipinapasang budget ng iba’t ibang departamento. Kinontra ito ng People’s Budget Coalition na pinangungunahan ng mga eksperto sa usaping pagbabadyet ng gobyerno. Sa pahayag na ito ng kongresista, dapat mas maging masigasig pa ang mas marami sa pagbusisi sa pambansang budget.

Sabi nga ni Cardinal Pablo Virgilio David ng Diyosesis ng Kalookan, ang mga grupong katulad ng People’s Budget Coalition ay nagbibigay sa kanya ng pag-asa sa mga demokratikong institusyon. Kahanga-hanga aniya ang ginagawa ng mga “angry nerds” na gamitin ang datos mismo ng gobyerno at makabagong teknolohiya para bigyang-liwanag ang mga tila itinatago sa mata ng publiko. 

Mula naman sa lente ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang ginagawa ng mga tinatawag na citizen volunteers katulad ng People’s Budget Coalition ay pagsasabuhay ng karapatan at tungkulin ng mga mamamayan na makibahagi sa buhay ng lipunan. Dahil ang pambansang budget ay salamin ng mga prayoridad ng ating gobyerno na dapat naglilingkod sa atin, nararapat lang na makialam tayong mga mamamayan sa proseso ng pagbubuo, paglalaan, at paggamit nito. 

Mga Kapanalig, nasa Senado na ngayon ang bola, ‘ika nga, kung palulusutin nito ang budget na ipinasá ng mga kongresista. Pero nasa ating mga mamamayan pa rin ang tungkuling laging ipaalala sa ating mga lider ang babala sa Lucas 12:2: “Walang natatago na ‘di malalantad at walang nalilihim na ‘di mabubunyag.”

Sumainyo ang katotohanan.

UNDAS 2026, generally peaceful

 2,038 total reads

 2,038 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 6,831 total reads

 6,831 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 56,583 total reads

 56,583 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 215,774 total reads

 215,774 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 242,935 total reads

 242,935 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 276,954 total reads

 276,954 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Don’t panic?

 56,584 total reads

 56,584 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 215,775 total reads

 215,775 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 242,936 total reads

 242,936 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 276,955 total reads

 276,955 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »
Scroll to Top