3,740 total reads
Hinimok ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga pari at layko na ipanalangin ang Pilipinas at ang buong mundo, kasabay ng pagdiriwang ng Christ the King Sunday sa Nobyembre 22.
Sa isang pastoral circular, hiniling ni Archbishop Valles na maging pangunahing layunin ng mga misa at iba pang gawaing pastoral ang pagsusulong ng mga pagpapahalaga ng paghahari ni Hesukristo—katotohanan, buhay, kabanalan, biyaya, katarungan, pag-ibig at kapayapaan.
“Let us pray for our country and for the whole world, that we may become “a kingdom of truth and life, a kingdom of holiness and grace, and a kingdom of justice, love, and peace,” ayon kay Archbishop Valles.
Ayon sa arsobispo, nahaharap ang bansa at ang buong mundo sa mabibigat na hamon at banta na taliwas sa mga pagpapahalagang ito. Dahil dito, mahalagang muling pagtibayin ng Simbahan ang pangakong isabuhay at itaguyod ang mga ito sa pamilya, komunidad at lipunan.
Dagdag pa ni Archbishop Valles, ”We are all aware that our country and the world are facing very serious challenges and threats that run contrary to the values of the Kingdom of Christ, our King. These realities call us as Church to renew our commitment to upload and promote the values of His Kingdom in our personal lives, in our communities, and in our society.”
Hinimok din ni Archbishop Valles ang mga pari at laykong lider na bigyang-diin ang panawagang ito sa kanilang mga gawain, kabilang ang mga panalangin ng bayan, homiliya, prusisyon at banal na oras ng pananalangin.
Maaari rin itong isama sa mga pambungad na mensahe bago ang misa at sa mga materyales na gagamitin sa pagdiriwang sa mga parokya at pampublikong kapilya.
Ipinaalala ng arsobispo na ang mga pagpapahalagang ito ay nakaugat mismo sa liturhiya ng kapistahan ni Kristong Hari, at hindi isang bagong panawagan ng Simbahan.
Ipinagdiriwang ang Christ the King Sunday tuwing huling Linggo ng Taon Liturgical ng Simbahang Katolika.




