Paghandaan ang buhay na walang hanggan hindi lamang buhay sa mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,381 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na huwag lamang paghandaan ang kanilang kinabukasan sa mundo kundi higit sa lahat ang buhay na walang hanggan.

Ayon sa arsobispo, natural lamang na mag-ipon para sa pagtanda, kumuha ng insurance at paghandaan ang kinabukasan ng mga anak. Ngunit mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang kanilang pananampalataya at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo, ipinaliwanag ng arsobispo ang kuwento tungkol sa tusong katiwala na agad gumawa ng paraan upang masiguro ang kanyang kinabukasan nang malaman niyang mawawalan na siya ng trabaho.

Nilinaw ni Arcbishop Uy na hindi ang pagiging tuso o pandaraya ng katiwala ang pinuri ni Hesus kundi ang kanyang pagiging maagap sa paghahanda.

Ayon sa arsobispo, madalas na mas pinagkakaabalahan ng mga tao ang paghahanda para sa buhay sa mundo kaysa sa paghahanda para sa pakikipagtagpo sa Diyos.

Binigyang-diin ng pastol ng Cebu na hindi sapat ang pagkakaroon ng salapi, magandang trabaho at ari-arian kung napapabayaan naman ang pagmamahal sa kapwa at pananampalataya.

Hinimok din ng Arsobispo ang mga mananampalataya na huwag ipagpaliban ang paggawa ng mabuti.

“Kung may kailangan kang patawarin, patawarin mo na ngayon. Kung may nasaktan ka, humingi ka na ng tawad. Kung may mahirap kang matutulungan, gawin mo na ngayon,” panawagan ni Arcbishop Uy.

Idinagdag niyang panahon na upang itama ang mga pagkakamali, iwasan ang katiwalian at muling palakasin ang pananalangin.

Paalala ng arsobispo, hindi dapat hintaying tumanda o magkasakit bago bigyang halaga ang pananampalataya at ugnayan sa Diyos.

Aniya, maaaring mawala ang pera, posisyon at mga ari-arian, ngunit mananatili ang halaga ng pagmamahal, kabutihan at tulong na naibigay sa kapwa.

Hinamon ni Archbishop Uy ang mga mananampalataya na maging handang humarap sa Diyos anumang oras at gawing bahagi ng araw-araw na buhay ang paghahanda para sa buhay na walang-hanggan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,292 total reads

 131,292 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,412 total reads

 174,412 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,170 total reads

 224,170 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,364 total reads

 383,364 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 404,464 total reads

 404,464 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top