1,284 total reads
Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga obispo sa buong mundo na magdaos ng mga araw ng panalangin at pag-aayuno upang mahikayat ang mas maraming kabataan na magpari at pumasok sa buhay relihiyoso.
Ito ang panawagan ng Santo Papa sa kanyang pakikipagpulong sa mga obispo, pari, diyakono, madre, relihiyoso at seminarista sa Montevideo Cathedral sa Uruguay.
Hinimok niya ang mga parokya, pamilya at relihiyosong komunidad na sama-samang manalangin para sa pagdami ng mga bokasyon sa Simbahan.
Hiling ni Pope Leo sa mga diyosesis, “to promote days of prayer and fasting in their dioceses for an increase in vocations to the priesthood and to consecrated life.”
Binigyang-diin din ng Santo Papa na dapat manatiling malapit kay Hesukristo ang mga pari at relihiyoso at tularan ang kanyang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.
“Faithfulness to our vocation calls us to return again and again to Jesus Christ; to let Him be our treasure, the one whom we wish to resemble,” ayon sa mensahe ni Pope Leo.
Hinimok ng pinunong pastol ang mga seminarista at bagong pasok sa buhay relihiyoso na matuto sa mga matagal nang naglilingkod sa Simbahan.
Pinaalalahanan din niya ang mga pari at relihiyoso na huwag panghinaan ng loob sa kabila ng pagod at mga pagsubok sa kanilang paglilingkod.
Bilang halimbawa, binanggit ng Santo Papa si Blessed Jacinto Vera na nag-alay ng buhay sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at pagtulong sa mahihirap.
Bahagi ito ng 12-araw na apostolic journey ni Pope Leo sa Latin America.




