Maayos na paggamit sa El Niño funds, tiniyak ng OCD

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,080 total reads

Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na may malinaw na mekanismo ng pagsubaybay sa paggamit ng pondo para sa mga lugar na apektado ng El Niño, kasabay ng patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka at iba pang sektor na tinamaan ng tagtuyot.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Emerito Junie Castillo III, tagapagsalita ng OCD, na mino-monitor ng kanilang tanggapan ang paggamit ng pondong nagmumula sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) Fund, mula sa pag-uulat hanggang sa aktuwal na inspeksiyon sa mga benepisyaryo.

“Kapagka meron po kaming mga, ‘yung galing sa NDRRM Fund, ito po ay may malinaw na mekanismo on the monitoring, reporting, hanggang po doon sa inspection,” Bahagi ng pahayag ni Castillo sa Radyo Veritas.

Iniulat din ng opisyal na umabot na sa ₱8.7 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura batay sa mga natanggap na ulat, kabilang sa mga lugar na nakararanas ng matinding epekto ng tagtuyot sa ilang bahagi ng Caraga at Cagayan Valley.
Batay naman sa datos ng PAGASA hanggang Oktubre 31, 2026 kabilang sa mga lugar na nasa drought classification ang Albay, Catanduanes, Negros Oriental, Western Samar at Siquijor.

Samantala, nakararanas naman ng dry spell ang ilang lugar sa Bicol, Visayas at Mindanao, kabilang ang Masbate, Sorsogon, Capiz, Negros Occidental, Agusan del Norte at Surigao del Norte.

Ipinaliwanag din ni Castillo na ang drought ay tumutukoy sa tatlong magkakasunod na buwan ng pag-ulan na mas mababa nang malaki sa normal na antas, habang ang dry spell ay tumutukoy rin sa tatlong magkakasunod na buwan ng below-normal rainfall conditions.
Tiniyak din ng opisyal na nagpapatuloy ang mga intervention ng pamahalaan, partikular ang tulong para sa mga magsasakang nawalan o nanganganib mawalan ng kabuhayan dahil sa kakulangan ng tubig.

Nilinaw naman ni Castillo na hindi nagmumula sa iisang pondo ang lahat ng programa para sa El Niño, dahil may kani-kaniyang nakalaang pondo ang mga ahensiyang kabilang sa National Action Plan on El Niño.

“Magkakaiba na, because, ito pong mga pondo ng, ah, for the El Niño ay hindi po siya isang parang NDRRM fund na isang bultuhan tapos dinidivide, kung kailan, saan pangangailangan. Opo. Ah, doon po kasi sa National Action Plan on El Niño ay meron po ‘mga kanya-kanyang, ah, pondo, ‘no? Existing funds ang mga iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan,” Dagdag pa ni Castillo.

Kabilang sa tinukoy ni Castillo ang Department of Agriculture para sa food security, Department of Environment and Natural Resources para sa water security, Department of Health para sa kalusugan, Department of Energy para sa suplay ng enerhiya, at Department of the Interior and Local Government para sa public safety, kabilang ang pag-iwas sa grass fires.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pagtugon sa epekto ng El Niño ay hindi lamang usapin ng disaster preparedness kundi pagpapakita rin ng malasakit sa mga mahihirap at bulnerableng komunidad.
Alinsunod sa diwa ng Laudato Si’ ni Pope Francis, ang pangangalaga sa sangnilikha ay may kaakibat na pananagutan sa kapwa, lalo na sa mga magsasaka at pamilyang higit na naaapektuhan ng krisis sa tubig at pagkain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 27,691 total reads

 27,691 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 89,385 total reads

 89,385 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 135,084 total reads

 135,084 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 236,351 total reads

 236,351 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 304,782 total reads

 304,782 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top