Proteksyon ng mga testigo sa ICC, dapat tiyakin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,829 total reads

Binigyang-diin ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDEFEND) na dapat unahin ang proteksiyon ng mga kaanak ng mga biktima ng war on drugs sa kanilang pagtestigo sa International Criminal Court (ICC), sa gitna ng apela ng depensa na limitahan ang pagtatanong sa kanila.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni iDEFEND spokesperson Atty. Jin Arabejo, na bagama’t karapatan ng mga abogado ng prosecution, defense at victims’ representatives na magtanong, higit na mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga testigo at ang malayang paglalahad ng katotohanan.

“Ang mas concern ng prosecution at ng victims ay ‘yung protection nila at ‘yung paglimita ng impormasyon,” Bahagi ng pahayag ni Arabejo sa Radyo Veritas.
Dagdag pa si Arabejo, “Para sa amin, sa prosecution at sa victims’ representatives, sa amin mas protection, ‘yung hindi ‘yung dami ng tanong, kundi ‘yung impormasyon na sasabihin nila, ‘yung katotohanan na lalabas at ‘yung protection nila bilang mga witnesses o mga tumetestigo.”

Ipinaliwanag din nito na naiiba ang sistema ng ICC sa karaniwang paglilitis sa Pilipinas dahil tatlong panig ang kinikilala rito, ang prosecution, defense, at victims.

“Sa atin dalawa ang parties, prosecution at defense. Sa ICC, tatlo, prosecution, defense, and victims. Hiwalay po ang victims,” Ayon pa kay Arabejo.

Aniya, tungkulin ng prosecution na patunayan ang mga krimen at kaugnay na ebidensiya, habang ang victims’ representatives ay naghahatid sa hukuman ng pananaw at opinyon ng mga biktima upang maisaalang-alang sa mga desisyon tungkol sa paglilitis.

“’Yung task ng victims representatives, ‘yung mga abogado na nagre-represent sa mga biktima, ‘yung views and opinions ay ipahayag sa ICC,” Ani Arabejo.

Ayon kay Arabejo, kabilang sa mga usaping kinokonsulta sa mga biktima ang iskedyul ng pagdinig at mga kondisyong makaaapekto sa kanilang kaligtasan.

Mahalaga rin aniya ang kanilang pananaw sa posibilidad na makabalik sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kung mayroon pa siyang kakayahang manakot o mang-harass sa mga biktima.

Nilinaw naman ni Arabejo, kaugnay sa mga testigong inaasahang haharap sa ICC sa Nobyembre 30, 2026 na hindi niya alam ang kanilang pagkakakilanlan o ang nilalaman ng kanilang testimonya.

“Unang-una po, ‘yung mga witnesses na ‘yun, hindi po natin kilala. Kahit ako hindi ko alam ang identity nila. Importante, witnesses sila. Hindi ko rin alam ‘yung content ng sasabihin nila,” Paliwanag ni Arabejo.

Gayunman, sinabi ni Arabejo na maaaring kabilang sa mga testigo ang mga eksperto, doktor na nagsuri kay Duterte, mga eksperto sa ballistics, dating miyembro ng Davao Death Squad, at mga pulis na may kaugnayan sa mga kasong extrajudicial killing.

Naniniwala naman si Arabejo na karaniwang hakbang din sa paglilitis ang pagtutol ng depensa sa kredibilidad ng ilang testigo.

“Normal objections naman po ‘yan ng mga abogado sa kahit anong witness, so parang standard ‘yan bilang defense, standard mong sinasabi ‘yan, in hopes na malimitahan o completely pagbawalan mag-testigo ‘yung testigo,” Ayon pa kay Arabejo.

Sa gitna ng paglilitis, binibigyang-diin ng usapin ang kahalagahan ng pagkilala sa karapatan ng mga biktima at kanilang mga pamilya na marinig, maprotektahan at mabigyan ng pagkakataong maihatid ang kanilang mga salaysay sa paghahanap ng katarungan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 70,957 total reads

 70,957 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 132,649 total reads

 132,649 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 178,352 total reads

 178,352 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 279,616 total reads

 279,616 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 345,774 total reads

 345,774 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top