Maging alerto sa banta sa seguridad.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 434 total reads

Umaasa si CBCP-NASSA/Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Father Edu Gariguez na magkakaroon na ng kongkretong preventive measures ang mga law enforcement agency matapos ang ikatlong serye ng pagsabog sa Quiapo noong Sabado.

Iginiit ng Pari na hindi na dapat maulit ang naganap na karahasan dahil maraming inosenteng sibilyan ang nabibiktima.

“Tayo ay nakikiramay at nanawagan rin sa mga kinauukulan, sa mga may kapangyarihan na sana ay huwag na muling maulit o di kaya ay magkaroon ng mga preventive measures upang ito ay maiwasang mangyari na ulit. Pangatlong ulit na so alam naman natin na dapat gawin ang lahat para hindi mangyayari ang mga masamang pagtatangka.”pahayag ni Father Gariguez sa panayam sa Radio Veritas.

Umaapela rin ang Pari sa mga may kagagawan ng pagsabog sa Quiapo at sa lahat ng iba pang may karaingan sa lipunan na igalang ang kapakanan ng bawat mamamayan na maaaring maipit o madamay sa mga kaguluhan.

Nilinaw ni Father Gariguez na hindi nararapat manaig ang galit at karasahan sa isang demokratiko at disenteng bansa.

Ika-28 ng Abril ng maganap ang unang pagsabog sa Quiapo kung saan 14-na indibidwal ang nasugatan at noong ika-6 ng Mayo nangyari ang dalawang magkasunod na pagsabog malapit sa Manila Golden Mosque na ikinasawi ng 2-indibidwal at ikinasugat ang 6 na iba pa.

Una nang binigyang diin ng CBCP-NASSA – Caritas Philippines na walang puwang ang terorismo sa bansa at nanawagan ng pakikiisa ng mga mamamayan upang sama-samang mabantayan ang buong pamayanan mula sa banta ng mga terorista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 27,734 total reads

 27,734 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 107,858 total reads

 107,858 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 202,084 total reads

 202,084 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 262,573 total reads

 262,573 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 275,056 total reads

 275,056 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 19,211 total reads

 19,211 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top