Job positions ng BI, hindi pa rin napupunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 394 total reads

Hindi pa rin napupunan ang sapat na kailangang manggagawa sa Bureau of Immigration na siyang dahilan kung bakit humahaba ang mga pila sa immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon Immigration Spokesperson Atty. Marie Antonette Mangrobang, bagama’t may inilaan ng pondo ang Department of Budget and Management para sa pagkuha ng bagong empleyado ay daraan pa rin ang mga ito sa proseso para mapunan ang mga kakulangang personnel.

“There is a hiring process para mapunuan ang mga positions na ito. We know that it takes a while pero this is a long term solution doon sa manpower crisis natin,” dagdag pa nito.

Kamakailan, nagbukas ang BI para sa hiring ng isang libong job positions bilang tugon sa manpower crisis ng kagawaran.

Sinabi pa ni Mangrobang, problema rin ang pagliban sa trabaho ng mga empleyado na ang pangunahing dahilan ay ang mababang sahod bukod pa sa hindi nababayarang ‘overtime pay’ sa nakalipas dahilan upang kumukuha rin ang mga empleyado ng ibang mapagkakakitaan o ‘side line’ para sa karagdagang kita.

“The difficulty now is our immigrations officers are trying to augment their salary by looking for other ways to have additional income given the financial state of every immigration officers. Kapag sinasabi po ng empleyado na ang dahilan kung bakit hindi s’ya makakapasok ay dahil wala ‘syang pamasahe, naiintindihan natin ang mga pinagdadaanan nila kasi kami lahat ay nagdadaan din sa ganitong klaseng krisis,” pahayag ni Mangrobang.

Sa tala ng BI, ang isang immigration officer ay may regular basic salary na Php14,000 kada buwan.
Una nang pinamamadali ng pamahalaan ang pagproseso ng Immigration Act na magbibigay sa mga kawani ng BI ng karagdagang sahod ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito naisasakatuparan.

Sa Laborem Exercens si Pope St. John Paul II, nakasaad na dapat kilalanin ng mga kumpanya ang karapatan ng mga manggagawa sa kanilang trabaho kabilang na ang maayos na pagtrato at sapat na kita na tutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Read :

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 16,729 total reads

 16,729 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 51,268 total reads

 51,268 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 87,750 total reads

 87,750 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 105,962 total reads

 105,962 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 189,435 total reads

 189,435 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,430 total reads

 216,430 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,693 total reads

 355,693 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top