Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Likas na Kagandahan ng Bataan, hindi matutumbasan ng kayamanan-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 346 total views

Hindi matutumbasan ng anumang kayamanan ang kagandahang likas ng Bataan ayon sa inilabas na pastoral letter ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos.

Sa pahayag, sinabi rin ni Bishop Santos-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples ang dinaranas na hirap ng mga naninirahan sa Bataan dahil sa Coal Power Plants na nakatayo sa lalawigan.

Hiniling din ng Obispo kaisa ang mga pari ng Bataan, na huwag nang dagdagan pa ang mga Coal Fired Power Plants na nakatayo sa lalawigan.

Ayon sa Obispo, hindi dapat masilaw ang lokal na pamahalaan ng Bataan sa halaga ng salapi na iilan lamang ang makikinabang, sa halip ay dapat tignan ang mas malawak at magiging pangmatagalang epekto ng Coal Power Plants sa Bataan.

“Alam at tinatanggap po namin na ang ninanais ninyo ay para sa kaunlaran ng Bataan. Hindi po namin itinatatwa na ang mga ito ay mayroong pakinabang. Huwag po tayong masilaw sa BARYANG PAKINABANG. Kailangang tanggapin na ang perwisyong idudulot nito sa Bataan ay magiging pangmatagalan at magiging huli na ang pagsisisi,” pahayag ng Obispo sa Pastoral Letter.

Dagdag pa ng Obispo, mahalaga ring mabantayan ang kalagayan ng hangin sa mga lugar na kasalukuyang may operasyon ang mga plantang una nang nakatayo.
Aniya, sa pamamagitan ng maayos na pagbabantay ay maiiwasan ang polusyon sa hangin at tubig.

Naniniwala rin ang Obispo, na dapat nang palawigin ang paggamit sa renewable energy tulad ng Solar energy, hydro energy, at wind power.

Sa huling bahagi ng liham, hiniling ni Bishop Santos sa mamamayan na maging mapagmatyag at makisangkot sa mga gawain para pangalagaan sa kalikasan.

“Mahalin natin ang Bataan. Mayaman at maganda ang Bataan. Huwag tayong maging makasarili. Isipin natin ang mga susunod na henerasyon. Ipagtanggol natin ang Bataan. Ipagtanggol at bantayan natin ang yamang kalikasan ng Bataan; Maging mapagmatyag at mapanuri; At ang panghuli, maging bukas at makisangkot sa anumang pagkilos na mayroong kinalaman sa pagtatanggol sa yamang kalikasan ng Bataan,” bahagi ng liham pastoral.

Sa kasalukuyan limang iba’t ibang planta ang nakatayo sa bataan, ito ang Refinery Solid Fuel Fired Power Plant, San Miguel Global Power, Panasia Power Plant, GN Power Plant at Bataan Oil Refinery.

Matatandaang, iminungkahi ni Pope Francis, sa encyclical nitong Laudato Si ang pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na sumisira sa kalikasan.

Read:
Kawalan ng tubig sa Bataan, isininisisi sa coal power plants

Ipagtanggol ang kalikasan laban sa kasakiman-Cardinal Tagle

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,449 total views

 47,449 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,537 total views

 63,537 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,927 total views

 100,927 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,878 total views

 111,878 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 162,949 total views

 162,949 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 106,795 total views

 106,795 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top