Pakikisabwatan ng DAR Bataan sa isang development corporation, inalmahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total views

Ibalik ang lupa sa tunay na nagmamay-ari nito.

Ito ang patuloy na panawagan ng mga magsasaka ng Barangay Sumalo, Hermosa, Bataan sa Department of Agrarian Reform (DAR) kaugnay sa hindi pag-usad ng kanilang kaso laban sa Riverforest Development Corporation.

Ayon sa barangay captain ng Sumalo na si Rolly Martinez, ang mabagal na pag-aksyon at pakikipagsabwatan ng DAR Bataan sa nasabing korporasyon ang dahilan kung bakit inabot ng mahigit walong taon ang pakikipaglaban ng mga magsasaka sa 213 hektaryang lupang sakahan ng kanilang mga ninuno.

“Yung DAR Bataan trumabaho siya ng maayos at wala siyang tinitingnan, ipairal niya yung batas tingnan niya yung sistema kung alin talaga at sino talaga yung dapat na mag may-ari ng lupa. Kung din naman niya kayang gawin yung kaniyang trabaho, mag resign na lang siya dahil nakakabagal lang siya at kinakain lang ng sistema yung kalagayan ng mga magsasaka,” pahayag ni Martinez.

Idinagdag pa ng kapitan na ang kawalan ng hustisya ang nagtulak sa kanila upang magsagawa ng ‘Lakbayan Para Sa Mga Magsasaka ng Barangay Sumalo’ kung saan naglakad ang mahigit 100 daang magsasaka mula Bataan hanggang Maynila upang ipakita sa pamahalaan ang kanilang suliranin.

“Mahirap yung naging karanasan namin. Unang una yung mga bata at matatanda nagko-collapse sa sobrang init. Nausunog yung balat, nagbitak bitak at nagkakapaltos ang paa ng mga tao, Gutom, uhaw, pagod. Ganon kahirap yung naranasan namin sa paglalakad,” kwento pa nito

. Nagsimula noong ika-29 ng Mayo ang paglalakad ng grupo at kasalukuyan silang nananatili sa tanggapan ng DAR habang hinihintay ang pagdating ni Agriculture Secretary Rafael Mariano upang makipagpulong dito.

Umaasa rin ang mga magsasaka na marinig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang sigaw at matugunan ito upang muling maibalik ang pinagkukunan nila ng kabuhayan.

Una nang ipinaalala ng Kanyang Kabanalan Francisco sa bawat bansa na habang lumalago ang ekonomiya ay napapangalagaan din dapat ang karapatan ng maliliit na tao at indigenous groups sa kanilang lupang tinubuan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 38,261 total views

 38,261 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 112,875 total views

 112,875 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 192,954 total views

 192,954 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 236,093 total views

 236,093 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 234,880 total views

 234,880 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 139,829 total views

 139,829 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 306,521 total views

 306,521 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top