YSLEP, katuparan ng pangarap at kinabukasan ng mga mahihirap na estudyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,105 total views

Ito na ang minimithi nina Rodeliza Compra isang katekista ng Diocese ng Ipil at Jennes Badan ng Diocese ng Tagbilaran na kapwa scholar ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Rodeliza na hindi niya inakala na makakatuntong siya ng kolehiyo dahil na rin sa kahirapan sa buhay bagama’t naging posible ito nang matanggap siya sa YSLEP.

Sa kasalukuyan ay dean’s lister si Rodeliza at nasa 3rd year college at kumukuha ng BS Computer Science.

“Tulungan nyo po kaming mga mahihirap na maabot ang pangarap naming, kahit sa simpleng tulong, o maliit man. Marami na pong mga bata ang makikinabang at malayo ang mararating. Salamat po sa mga donors/benefactors ng Caritas YSLEP dahil sa inyo ay nagkaroon kami ng chance na maabot ang pangarap namin. Sa inyong magandang kalooban na pagtulong, napakalaking tulong po ang inyong financial support at nawa ay hindi kayo magsawa sa pagtulong,” ang pahayag ni Rodeliza.

Nagpapasalamat din ang isang dating kasambahay at kasalukuyang nag-aaral ng Business Administration and Financial Management sa Surigao State University.

Ayon kay Jennes, matapos ang kaniyang pag-aaral sa high school ay namasukan muna siya bilang kasambahay at tumutulong din sa kumbento ng mga madre na siyang naging daan sa kaniya para makapasok sa Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila.

“Pagtapos ko po ng high school, pumasok po muna akong kasambahay for 2 years. At the same time po every Saturday ng hapon tumutulong po ako sa madre, naglilinis at gardening. Duon ko po nalaman ang YSLEP.

Para po sa mga donors, nagpapasalamat po kami sa mga tulong. Sana po marami mga estudyante ang mabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa YSLEP scholarship. Salamat po sa lahat lahat,” ayon kay Jennes.

Si Jennes ay kasalukuyan ay incoming 4th year student na kabilang sa limang libong mga scholars ng Caritas YSLEP.

Nitong 2018, may higit sa walong daan ang nagtapos ng kolehiyo sa YSLEP program habang patuloy naman na kumakalap ng karagdagang pondo ang Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Radio Veritas 846 ang Back to School Telethon para sa limang libong scholars.

Ayon kay Caritas Manila executive director Rev. Fr. Anton CT Pascual, hindi hadlang ang kahirapan para sa pagtatapos lalo’t nagtulong-tulong ang lahat para matustusan ang pag-aaral ng mga mahihirap na estudyante na nais na makapag-aral at makapagtapos.

Sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority noong 2013 sa kabuang bilang na 36 million na estudyante, apat na milyon sa mga ito ang hindi nakakapag-aral.

Ang Caritas YSLEP ay naglalaan ng P25 libo sa bawat scholar kada taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 37,147 total views

 37,147 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 111,761 total views

 111,761 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 191,840 total views

 191,840 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 234,979 total views

 234,979 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 233,838 total views

 233,838 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top