Dasal, hiling ng taga-Leyte sa nararanasang aftershocks

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total reads

Kumikilos na ang Simbahang Katolika sa lalawigan ng Leyte para maghatid ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng magnitude 6.5 na lindol.

Ayon kay Rev. Fr. Isagani Petillos, Parish Priest ng St. Peter and Paul Parish sa Ormoc City, 800-pamilya ang direktang naapektuhan ng naganap na paglindol at nangangailangan ngayon ng tulong matapos masira at maapektuhan ang kanilang mga kabahayan.

Giit ng Pari karamihan sa mga apektadong residente ay napilitang manirahan muna sa gilid ng mga kalsada gamit ang mga temporary tents.

Sinabi ni Father Petillos na suliranin ngayon ang pagkakaroon ng maayos na masisilungan ng mga pamilya ganun na rin ang pagkain, bigas, mga gamot at tubig.

“Kasi ngayon yun mga tao na nasiraan ng bahay they are living sa gilid ng kalsada na may mga tents, may nag donate na ng mga tents parang mga tarpaulin, yun lang problema kapag umulan mababasa talaga sila kasi mga makeshift lang ito.”ani Fr. Petillos.

Samantala Aminado si Fr. Petillos na muling nagdulot ng takot at pangamba ang naganap na magnitude 5.4 na paglindol dakong alas- nuwebe kuwarenta ng umaga ngayong araw.

Naganap ang paglindol habang bumibiyahe aniya ang grupo ni Fr. Petillos patungo sa isang mga Barangay na naapektuhan ng paglindol.

“We are asking for more prayers kasi it is normal na after ng malakas na paglindol may mga aftershocks kaya lang kapag ganito na medyo malakas nagpapanic talaga ang mga tao siguro we ask for more prayers.

 

Nauna rito, nagpahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng kahandaan na tulungan ang mga biktima ng lindol sa Eastern Visayas.

Read: Cardinal Tagle, nag-alala sa mga apektado ng lindol sa Eastern Visayas

Batay sa datos 2 ang nasawi habang hindi bababa sa 100 ang nasugatan dahil sa naganap na paglindol sa lalawigan ng Leyte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,168 total reads

 79,168 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,325 total reads

 157,325 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,773 total reads

 190,773 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,069 total reads

 226,069 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,429 total reads

 449,429 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,946 total reads

 111,946 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top