BEC, malaking tulong sa pagpapayabong ng pananamapalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total views

Matatag ang Basic Ecclesial Community (BEC) sa Diocese of Kidapawan.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, inaani na nila ang ginawang paghihirap noon ng mga naunang Obispo na ipunin ang mga mananampalataya sa kanilang nasasakupan upang mailapit sa Panginoon.

“Nakapaganda ng manifestation, expression ng pananampalataya ng mga taga-Diocese of Kidapawan. Nagpapasalamat ako, yung mga nagsimula ng Diocese ng Kidapawan na pinangunahan nina Bishops Escaler, Capalla, Dela Cruz , Pueblos, Valles, Cardinal Quevedo ngayon ay through the years talagang nagig matatag ang pananampalataya dahil binigyan nila ng diin yung basic ecclesial communities (BEC),” ayon kay Bishop Bagaforo.
Ang ‘Gagmay Kristohanong Katilingban’ (GKK) o Munting Sambayanang Kristiyano ang naging daan sa pagtatag ng pananampalataya sa bahagi ng Mindanao.

“Now we are somehow harvesting the fruits of the efforts ng mga naunang pari, Obispo sa Kidapawan,” ayon pa sa Obispo sa panayam ng programang Barangay Simbayanan.

Sinabi pa ng Obispo hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling mayorya ng populasyon ng Mindanao ay mga Katoliko, habang naka-concentrate aniya ang mga Muslim sa Southern Mindanao.

Base sa 2015 survey ng Philippine Statistics Authority, aabot na 30 milyong katao mula sa 25 lalawigan at 27 lungsod sa Mindanao na binubuo ng may 20 arkidiyosesis at diyosesis.

Nilinaw naman ng Obispo na sa kabila nito ay payapang nabubuhay na magkama ang Muslim at Kristiyano sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay pa kay Bishop Bagaforo: “Totoo na talaga na the impression ng karamihan ay buong Mindanao. Pag sinabing may giyera sa Mindanao. Pero ang totoo sa Marawi lang hindi naman buong Mindanao. Generally hindi naman naaapektuhan ng kaguluhan sa Marawi”.

Hindi rin kumbinsido ang Obispo na ‘religious war’ ang nagaganap sa Southern part ng Mindanao kundi isang terorismo.

Una na ring inihayag ni Pope Francis na ang Muslim at Kristiyano ay magkakapatid na dapat na magtulungan para bumuo ng payapang lipunan sa kabilan ng magkaibang paniniwala, kultura at pananampalayata.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 3,986 total views

 3,986 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 31,991 total views

 31,991 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 49,791 total views

 49,791 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 49,630 total views

 49,630 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 162,053 total views

 162,053 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top