Sumalo farmers ng Bataan, binigyan ng pag-asa ng DAR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,243 total views

Tiwala si Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary for Legal Affairs Luis Meinrado Pañgulayan na matatapos na ang paghihirap ng mga magsasaka ng Barangay Sumalo, Hermosa, Bataan at muling mababawi ang lupang kanilang tinubuan.

Sa pagtataya ni Pañgulayan, aabutin lamang ng tatlo hanggang anim na buwan ang pagresolba sa usapin kung agad na makakapag-ulat ang Task Force Litton Property na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na 213-hektaryang lupa na pag-aari ng pamilya Litton at kung bibigyang prayoridad ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“Napakatagal na po ng paghihirap ng mga magsasaka, kung babalikan po natin ang pakikipag-laban nila sa legal, matagal na po silang dehado. Hindi pa tapos ang trabaho ng DAR sa Bataan hangga’t hindi nakakapasok ang mga magsasaka ng Sumalo sa lupang sa kanila, so nakakalungkot at nakakagalit. Ang maliwanag po ngayon ay ang ating perspektibo na masimulan ang support services nila dahil ang tagal na po ng paghihirap ng mga magsasaka,” pahayag ni Pañgulayan sa Radio Veritas

Alisunod sa Special Order 405 na inilabas ni DAR Secretary Rafael Mariano, magsasagawa ng ocular inspection sa Bataan ang kagawaran sa pangunguna ni Assistant Secretary for Legal Affairs Elmer Distor upang mangalap ng ebidensya at malaman ang tunay estado ng binakurang lupa.

Iginiit pa ni Pañgulayan na kung mapatunayan na inani ng mga tauhan ng Riverforest Development Corporation ang pananim ng mga magsasaka sa 213-hektaryang lupang kasamang binakuran noong 2009 ay may kaukulang kaso silang kahaharapin.

“Dapat po ang mga bunga ng puno ay hindi mapupunta sa guwardiya o sa Liton. Kailangan pong ma-acount yan sapagkat kapag nagkaroon na po ng pinal na determinasyon at nai-poll ang problemang yan sa Regional Trial Court tungkol sa issue ng fencing, mapupunta po sa mga magsasaka yan. Lahat po ng kinuha ng guwardiya o ng mga tauhan ng may –ari ay utang po nila yan sa mga magsasaka,” dagdag ni Pañgulayan.

Mababatid na nagsimula noong ika-29 ng Mayo ang pagmamartsa ng nasa 150 Sumalo farmers mula Bataan patungo sa tanggapan ng DAR upang ipakita sa pamahalaan ang social injustice na walong taon na nilang nararanasan.

Read: Malacañang, susugurin ng mga magsasaka ng Bataan

Naunang inakusahan ng Sumalo farmers ang mga opisyal ng DAR Bataan sa Riverforest Corporation.

Read: Pakikisabwatan ng DAR Bataan sa isang development corporation, inalmahan

Patuloy namang ipinaalala ni Pope Francis na kaakibat ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa ay ang maigiting na pangangalaga sa karapatan ng maliliit na tao sa lupang kanilang tinubuan dahil bawat indibidwal ay may bahagi sa mundo at kapag may umabuso ay tiyak na may mawawalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 8,516 total views

 8,516 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 31,668 total views

 31,668 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 101,781 total views

 101,781 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 176,394 total views

 176,394 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 255,907 total views

 255,907 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 143,625 total views

 143,625 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 309,257 total views

 309,257 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top