Penitensya at pagbabalik-loob, diwa ng Our Lady of Mt.Carmel.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total views

Binigyang-diin ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairman at Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes na ang penitensya at pagbabalik-loob ang tunay na diwa ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Carmelo.

Ayon sa Obispo, ipinapaalala ng presensya ng Mahal na Ina ang kahalagahan ng pagsisisi at pangungumpisal gayundin ang pag-iwas sa mga bagay na pinagmumulalan ng pagkakasala ng tao.

“People today forget the idea of penance and they do not want to have any penitential act. For me, the most important reflection we can get to Our Lady of Mt. Carmel is the idea of penance reminding us that the scapular is the instrument of penitence,” ani Bishop Bastes.

Idinagdag pa ni Bishop Bastes na sa halip isipin ang magiging buhay sa lupa ay mas mahalagang ituon ang sarili kung paano mararanasan ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananalig sa Mahal na Birhen ng Carmelo at ng eskapularyo na ipinagkaloob niya sa sangkatauhan.

“Today, people are so worldly that instead of working for eternal life they are only concentrated in the life in this world, this is a very foolish thing. So Our Lady of Mt. Carmel is giving us the chance to reflect upon the importance of eternal life,” pahayag ni Bishop Bastes.
Kaugnay nito, nilinaw ni Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani na hindi agimat ang eskapularyo sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo.

Ayon kay Bishop Bacani, hindi nakasalalay sa pagsusuot ng banal na eskapularyo ang kasiguraduhan sa buhay na walang hanggan dahil masasalamin pa rin sa mga ginawa ng tao sa lupa ang kanyang magiging kapalaran sa kabilang buhay.

Binigyang-diin naman ni Diocese of Malolos Bishop Jose Oliveros na laging may kaakibat na gawa ang pananampalataya at magsisimula sa tao ang unang hakbang upang makamtan ang pangakong ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo na buhay sa piling ng Panginoong Hesukristo.

“Ipinangako ng ating Mahal na Ina na kung sinuman ang magsusuot ng eskapularyo ng Carmel, kung siya ay mamatay ay hindi siya mapapahamak magpakailanman. Subalit, ang pangako na ibinigay niya sa atin at sinusuot natin ay hindi isang anting-anting, hindi ito amulet. Hindi nangangahulugan na wala na tayong gagawin upang makamtan natin ang kanyang pangako. Ito ay isang tanda lamang at paalala sa atin na kinakailangang gawin natin ang nararapat upang hindi tayo maburi sa apoy ng impyerno,” ani Bishop Oliveros.

Pinaniniwalaang nagsimula ang debosyon ng mga mananampalataya sa Our Lady of Mt. Carmel noong tinagubilin ng Mahal na Birhen kay Carmelite Priest San Simon Stock ang isang eskapularyo na na sinuman ang magsusuot nito hanggang sa oras ng kanyang kamatayan ay makararanas ng buhay na walang hanggan sa piling ng dakilang Maylalang.

Dahil sa maigting na pagmamahal ng mga Filipino sa Mahal na Ina, pinasinayaan noong ika-14 ng Disyembre 2015 ang National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa New Manila, Quezon City.

Ipinagdiriwang naman tuwing ika-16 ng Hulyo ang kapistahan ng Nuestra Señora del Carmen na siya ring patrona ng Order of Carmelites.(Ers Geronimo)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 58,608 total views

 58,608 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 58,608 total views

 58,608 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 58,608 total views

 58,608 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,809 total views

 56,809 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,879 total views

 51,879 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 194,549 total views

 194,549 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top