Millennials, kulang sa sense of history

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 465 total reads

May kakulangan sa ‘sense of history’ ang mga nakababatang henerasyon o millennials.

Ito ang dahilan kung bakit mas marami ang sumasang-ayon sa ‘martial law’ sa Mindanao base sa survey ng Social Weather Station.

Nilinaw ni Father Kunegundo Garganta, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) na malaki ang gap noong panahon na idineklara ng dating Pangulong Marcos ang batas militar.

“Malaking issue kasi malaki ang gap nung panahon na mayroong martial law and the young people that we have now, hindi man lang nila narinig ang kuwentong ito o nababasa na lang nila ang kuwento tungkol dito.” paliwanag ni Father Garganta.

Ipinaliwanag ni Father Garganta maaring karaniwang dahilan ng mga sang-ayon ay ang pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon at ang pagsupil sa mga local at foreign terrorist na nagpapasok ng ‘foreign ideology’.

“So ang makikita lang nila this a fort to provide security, a fort to stop terroristic activity yung ang kanilang makikita na advantage. Yun ang pwedeng sabihin ng kahit na sino na hindi naranasan ang martial law na advantages for us, kasi ang gusto naman niyan ay pigilin ang mga banta ng kaguluhan o banta ng terorismo,” sinabi ni Fr. Garganta sa panayam ng Radio Veritas.

Gayunman, lumabas din sa survey na 79 percent ng taga-Luzon at Visayas ang hindi sang-ayon na umiiral ang martial law sa Luzon at Visayas.

Paliwanag pa ng pari, maaring ang lahat ay nagkulang na ipasa ang mahalagang kasaysayan ng bansa sa kabataan bilang isang paghuhubog bilang mga mamamayan at hindi lamang one time event.

“Kailangan nating sipating mabuti kung talaga bang natutulungan natin ang ating mga mag-aaral o estudyante na lumingon tayo sa pinanggagalingan ng ating kuwento at karanasan ng pagsubok bilang isang bansa, so may mga malalalim na pagsusuri na kailangan nating gawin,” ayon pa kay Fr. Garganta.

Ang 60-day martial law sa Mindanao ay mapapaso sa ika-24 ng Hulyo 2017.

Gayunman, bago mawalan ng bisa ang batas militar ay pormal na hiniling ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na i-extend o palawigin pa ang pag-iral ng Martial law sa Mindanao hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.

Nauna rito, nagpahayag ng hindi pangsang-ayon ang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa extension ng Martial law sa Mindanao dahil magpapahirap lamang ito sa mamamayan ng rehiyon.

Read: Taga-Mindanao, dapat tumugon sa ML extension

Sa mensahe ni Pope Francis, binigyan diin nito ang kahalagahan ng mga nakakatanda na siyang nagpapasa ng kasaysayan, kaalaman at pananampalataya sa mga mas nakakabatang henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 11,926 total reads

 11,926 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 51,337 total reads

 51,337 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 86,637 total reads

 86,637 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 312,906 total reads

 312,906 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 205,571 total reads

 205,571 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,707 total reads

 7,707 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top