Teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea, maaangkin na ng China

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Hindi na umaasa si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na maipaglalaban pa ng Pilipinas ang karapatan sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Iginiit ng mambabatas na nakatali na ang kamay ng Pangulong Rodrigo Duterte idahil sa bilyung-bilyon dolyar na investment na ipinasok ng China at inaalok na tulong pinansyal sa Pilipinas.

“Sabi n’ya itatakle natin ang ating karapatan sa West Philippine Sea pero hanggang doon na lang, dahil ang kanyang focus ay kumuha ng investment sa China. Ako ay doubt na makapag-assert pa tayo ng ating karapatan sa West Philippine Sea dahil niyakap na natin ang China… Kung sinabi natin na ibalik yung Balanggiga [Bells] I agree pero dapat yung Spratly at yung Panatag Shoal ay ibalik din,” ani Alejano.

Sa kanyang business trip sa China noong nakaraang taon, umabot sa mahigit 24-bilyong dolyar ang kabuuang investment na naiuwi ni Pangulong Duterte sa bansa na sinasabing magpapalakas sa larangan ng imprastraktura, agrikultura, turismo at komunikasyon.

Inihayag din ni Alejano ang mariing pagtutol sa Independent Foreign Policy at sa pagsasawalang kibo ng pangulo sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sa isinagawang press conference pagkatapos ng kanyang State of the Nation Address (SONA), inihayag ni Pangulong Duterte na handa ang Pilipinas at China na magsagawa ng isang joint venture upang saliksikin ang West Philippine Sea.

Magugunitang isang taon na ang nakalipas matapos ilabas ng permanent court of arbitration ang desisyon na nagsasabing ang ilang bahagi ng South China Sea ay saklaw ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Hulyo 2015 nang nagpalabas ng Oratio Imperata ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nananawagan sa mga mananampalataya na mag-alay ng panalangin para sa payapang paglutas sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,228 total reads

 8,228 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,816 total reads

 47,816 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,128 total reads

 83,128 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,397 total reads

 309,397 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,271 total reads

 202,271 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 292,121 total reads

 292,121 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 405,151 total reads

 405,151 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top