Patatagin ang Social Communications Ministry ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 661 total reads

Ito ang layunin ng Journalism Workshop na inorganisa ng Asian Catholic Communicators Inc. noong ika-22 ng Hulyo, para sa mga Parokya, Diyosesis at iba’t – ibang institusyon ng simbahan.

Ayon kay Fr. John Klen Malificiar, Presidente ng ACCI, sa tulong ng mga pag-aaral ay maipapaalam sa bawat parokya at institusyon ang kahalagahan ng pagbuo ng communication team na magsisilbing tagapagsalita ng bawat simbahan.

Dagdag pa ng Pari, sa pamamagitan nito ay mapagbubuklod at magiging magkakaugnay ang bawat Parokya dahil sa impormasyong kanilang ibinabahagi sa bawat isa.

“We really want to connect parishes… We are encouraging our parishes to form a communication team, this is a year of the parish, kaya we want to connect this Parishes para magkaroon tayo ng networking na tinatawag, so yun ang pinaka end goal talaga, hindi lang sya journalism but also networking so we can communicate in communion together as a parish, as a community,” bahagi ng pahayag ni Fr. Malificiar sa Radyo Veritas.

Tiniyak ng Pari na kahit natapos na ang Journalism Workshop ay patuloy na susuportahan ng ACCI ang mga parokya at Diyosesis sa pagpapatatag ng kanilang Communications team sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga impormasyon mula sa ACCI.

“This is a small step towards that goal, we want more parishes to be connected, so kung meron talagang maorganize na mga Parokya, we will feed them information that will help also in the organization of Parishes,” dagdag pa ng Pari.

Isa ring layunin ng Workshop ang pagpapalawak sa paggamit ng Social media upang makapagturo ng Salita ng Diyos ang bawat Parokya sa pamamagitan ng digital media.

Samantala, umabot sa 36 na indibidwal ang nakilahok sa workshop noong ika-22 ng Hulyo, na nagmula sa iba’t ibang parokya sa ilalim ng Archdiocese of Manila, Diocese of Cubao, Novaliches, Pasig, Parañaque, Archdiocese of Lipa at ilang Catholic Schools.

Ayon nga sa mensahe ni Pope Francis sa 50th World Day of Social Communications ang Social Networks ay biyaya ng Panginoon sa tao, gayun man ipinaalala ng Santo Papa na mahalagang gamitin ito sa kabituhan at pagbuo ng mga ugnayan, at iwasan ang paninira na nagdudulot ng pagkakawatak-watak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,194 total reads

 8,194 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,782 total reads

 47,782 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,095 total reads

 83,095 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,364 total reads

 309,364 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,238 total reads

 202,238 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,449 total reads

 35,449 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,342 total reads

 28,342 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top