Muling pagpapaigting sa pananampalatayang Filipino, malaking hamon sa PCNE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 455 total reads

Inamin ng Office for the Promotion of the New Evangelization na malaki ang hamon sa simbahan at mananampalatayang Katoliko ang muling pagpapaigting ng pananampalataya ng mga Filipino.

Ayon kay Fr. Jason Laguerta, director of the Office for the Promotion of the New Evangelization ito ang layunin ng isasagawang 3-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE4) sa University of Santo Tomas na gaganapin July 28-30.

Kabilang na dito ay ang pagbaba ng bilang ng mga nagsisimba na base sa pag-aaral ng isang survey firm noong 1991 lumalabas na 61 percent ng mga Filipino ang nagsisimba tuwing lingo, subalit sa unang bahagi 2017 ay bumaba ito sa 41 percent.

“So ang laki ng pagkakaiba in 25 years, nanduon ang hamon kasi nga ang mga tao ngayon maraming hinahanap na minsan hindi nila makita sa simbahan. So ang hamon sa lahat ay kung paano natin ihahain ulit at ipakilala ulit ang pananampalataya sa tao,” ayon kay Fr. Laguerta sa panayam ng Radio Veritas.

Ang Pilipinas ay may 100 milyong populasyon kung saan higit sa 80 porsiyento ay mga katoliko.

Naniniwala ang pari na ang pagtitipon-tipon ay isang simula para muling manariwa sa bawat isa ang ating pananampalataya lalu’t maraming mga gumagambala sa bawat isa tulad ng internet, migration at ang kahirapan.

“Marami na kasing kumplikasyon sa buhay, nandyan ang internet, kahirapan sa buhay, mga karahasan, problema sa migration kaya ito ang mga bagong sitwasyon kaya ang tawag nga e new evangelization. New evangelization kasi hindi naman bago yung ebanghelyo, kasi yung ebanghelyo si Kristo pa rin yun. Kaya kailangan nating humanap ng paraan na maipakilala sya sa mga modernong tao sa panahon natin ngayon,” dagdag pa ni Fr. Laguerta.

Sa huling tala, higit na sa anim na libo ang bilang ng mga pari, layko ang dadalo sa PCNE.

Paliwanag pa ng pari, layunin din ng PCNE na maiparamdam sa mga dadalo sa pagtitipon kung gaano kasarap at mabuhay bilang isang simbahan, isang pamayanan kasama si kristo at nagmimisyon ng sama-sama.

Pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagbubukas ng PCNE4 sa University of Sto.Tomas bukas ika-28 ng Hulyo 2017.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 10,160 total reads

 10,160 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 49,671 total reads

 49,671 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 84,971 total reads

 84,971 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 311,240 total reads

 311,240 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 204,005 total reads

 204,005 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,549 total reads

 7,549 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top