Katutubong Pilipino, inspirasyon ng unang Indigenous People’s Hospital.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,637 total reads

Ang mga katutubong Pilipino ang inspirasyon ni Dr. Carmelita Ngan-Oy sa pagkakaroon ng kauna-unahang pagamutan sa bansa para sa mga indigenous people o mga katutubo.

Bilang unang doktor sa Indigenous People’s Hospital (IPH), ibinahagi ni Ngan-Oy ang kanyang naging karanasan sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga katutubong namumuhay sa bundok na hindi naaabot ng modernong medisina.

“Ako po ay nakatira rin sa bundok kagaya ng mga ibang natives and nakita ko po yung pangangailangan nila especially sa health services so ito po yung nag-inspire sa akin… Ang Indigenous People’s Hospital ay naipatayo para ma-address yung mga needs ng mga indigenous people na nakatira sa bundok dahil sila po yung hindi napupuntahan ng health services na program ng government,” kuwento ni Ngan-oy sa Radio Veritas

Binuksan sa publiko noong 2012, ang Indigenous People’s Hospital sa Nueva Viscaya na pangunahing nangangalaga sa kalusugan ng mga katutubong Pilipino kabilang na ang mga Ibaloi, Ifugao at iba pang mga tribo sa karatig-lugar.

Isinalaysay pa ng doktora na hindi naging madali ang kanyang paglilingkod partikular na ang pagtuturo sa mga katutubo ng basic health education dahil may pinaniniwalaang mga ritual o seremonyas sa pagagagamot ang mga ito.

“Maraming challenges. Yung culture and practices nila ay napakastrong pa rin so you have to educate them. Yung mga nakatira sa mga lugar na hindi exposed sa development, sila talaga yung nagpa-practice pa rin ng rituals bago nila dalhin sa hospital, severe na yung patient.” ani Ngan-Oy.

Sa kasalukuyang ay bukas ang IPH hindi lamang sa mga indigenous people kundi maging sa sinuman nangangailangan ng tulong medikal.

Ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of the World’s Indigenous People bilang pagkilala sa mga katutubo sa iba’t-ibang panig na mundo at pag-alala sa kanilang mayamang kultura.

Una nang pinuri ng Kanyang Kabanalan Francisco ang 370-milyong indigenous peoples sa buong mundo dahil sa kanilang natatanging ambag sa silibisasyon at kasaysayan ng sangkatauhan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,902 total reads

 15,902 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,404 total reads

 5,404 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,051 total reads

 87,051 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,276 total reads

 181,276 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,766 total reads

 241,766 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,400 total reads

 255,400 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 204,316 total reads

 204,316 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 349,378 total reads

 349,378 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top