Faith based-organization, nagsanib para sa humanitarian response

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total reads

Binigyang diin ni NASSA/Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Fr. Edu Gariguez ang kahalagahan ng mga ‘Faith Based Organization’ sa humanitarian response.

Kasabay ng isinagawang ‘Transforming Faith Into Action Forum sa Iglesia Filipina Independiente Conference Center sa lungsod ng Maynila katuwang ang National Council of Churches in the Philippines, Philippine Council of Ecumenical Churches, World Vision at Caritas Philippines, pinag-usapan ang pagkakaisa ng iba’t-ibang organisasyon ng mga Simbahan sa pagtugon sa oras ng kalamidad.

Ayon kay Fr. Gariguez, mahalaga ang papel ng mga Faith Based organization sa humanitarian response sapagkat kalakip ng pananampalataya ang pagtulong sa mga nangangailangan at naapektuhan ng kalamidad.

Giit ng Pari nararapat lamang na magkaisa ang mga Faith based Organization sa kabila ng magkakaibang pananampalataya.

“Higit sa bahagi ng pagtulong mas magiging epektibo [tayo] kung hindi natin titignan ang pagkakaiba natin sa pananampalataya kung paano tayo magtutulungan kahit iba-iba ang ating pananampalataya pero nagkakaisa tayo sa gawaing paglingkod.” ani Fr. Gargiuez.

Samantala, Inihayag ni Fr. Gariguez na magpapatuloy ang pagtulong ng Simbahang Katolika sa mga Muslim na apektado ng kaguluhan sa Marawi.

Aniya, bukod sa mga food at non-food items ay pinag-aaralan na ng Simbahan kung paano makatutugon sa bahagi ng psycho-social intervention sa mga Bakwits.

“Sa bahaging ito ay nakikipag ugnayan din po tayo sa ibang mga grupo na mas alam ang kultura ng Muslim para magkaroon din ng pagkakataon na mapatatag ang kanilang loob. Mahalaga din po ito sa Simbahan kasi mas higit na papel ng Simbahan ang pagbibigay ng pag-asa at hindi lang po pagbibigay ng bahay, pagkain kundi yung something intangible na mapalakas ang kanilang loob base sa kanilang pananampalataya” dagdag pa ng 2012 Goldman Enviromental Prize Awardee.

Magugunitang naging aktibo ang Simbahang Katolika sa pagtulong sa mga Muslim na naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi kung saan umabot na sa mahigit 12 milyong piso ang pondo na inilaan nito sa Humanitarian Response.

Read:
Simbahan, naghatid ng tulong sa Marawi bakwits
Obispo ng Marawi, labis ang pasasalamat sa cash at rice donations ng Caritas Manila

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 10,743 total reads

 10,743 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 193,073 total reads

 193,073 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 224,805 total reads

 224,805 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 326,628 total reads

 326,628 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 367,185 total reads

 367,185 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 379,929 total reads

 379,929 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 109,676 total reads

 109,676 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top