Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tax reform program ng administrasyong Duterte, tinawag na diversionary tactics

SHARE THE TRUTH

 348 total views

Duda ang IBON Foundation sa panukalang dagdag buwis sa mga sugar-sweetened beverages (SSBs) na bahagi
ng “Tax Reform Program” na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay IBON Executive Director Sonny Africa, nais lamang ng gobyerno na kumita ng malaking halaga sa pamamagitan ng nasabing programa na pinaniniwalaang magbibigay ng panibagong kalbaryo sa mga mahihirap.

“Tingin namin, diversionary tactics lang ng DOF (Department of Finance)para pagtakpan ‘yung realidad [na] gusto nilang kumita sa pinakamabilis na paraan at ‘yung sweetened beverages, oil taxes at ‘yung expansion ng VAT, ‘yun para sa kanila ang pinakamadaling gawin sa halip na sakalin yung mga mahihirap [ay dapat] singilin ang mga mayayaman at ‘yung malalaking kumpanya,” pahayag ni Africa.

Sa ilalim ng tax reform program, 10-piso ang itataas ng bawat litro ng matatamis na inumin kabilang na ang soft drinks, kape at energy drinks.

Kaugnay nito ay iginiit ni Africa na hindi ang mga SSB’s ang dahilan sa obesity sa bansa kaiba sa sinasabi ng pamahalaan at magiging pasanin lang ng mga ordinaryong Filipino kung maaaprubahan ang tax reform program.

“May mga pag-aaral naman na hindi talaga ‘yung sweetened beverages ang cause ng obesity sa Pilipinas. Strategy lang nila ‘yan na sinasabi na nakakatulong sa kalusugan ng mga Pilipino, kasi di hamak ang mas di makakatulong sa kalusugan ng mga Pilipino [ay ang] magpasan sila ng gastusin para sa pang araw araw nilang bilihin.,” dagdag pa nito.

Sinasabing pangunahing tutugon sa pagpopondo ng may nasa 8-trilyong proyektong pang-imprastruktura sa bansa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Bill na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.

Sa ulat, mababatid na ipinapatupad na sa mga bansang Cambodia, Malaysia, Thailand, Mexico, France at maging sa Estados Unidos ang nasabing panukala.

Unang nang binigyang-diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagsasalang-alang ng kapakanan ng mga mahihirap sa paglikha ng mga proyekto at programang pambansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,418 total views

 14,418 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,355 total views

 34,355 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,615 total views

 51,615 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 65,140 total views

 65,140 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,720 total views

 81,720 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,842 total views

 7,842 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 71,110 total views

 71,110 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 96,925 total views

 96,925 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 135,454 total views

 135,454 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top