2,585 total views
Suportado ni Senator Jayvee Ejercito Estrada – Chairman of the Senate Committee on Urban Planning, Housing
and Resettlement ang massive infrastructure project ng Administrasyong Duterte.
Naniniwala si Estrada na kung matutupad ng Pangulo ang pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, daungan
at paliparan ay uusbong ang ekonomiya ng Pilipinas at dadami ang magkakaroon ng trabaho.
Dagdag pa nito, lalakas din ang exportation service ng Pilipinas, at maaaring mabuksan ang masmarami pang negosasyon sa iba pang mga bansa.
“Yung commitment ng pangulo na talagang simulan yung massive infrastructure development ay totohanin, dahil ako ang paniniwala ko matagal ko nang itinutulak yan, na ito ang paraan para talagang umunlad an gating bayan
at yung economic take off ay maging katotohanan na,” bahagi ng pahayag ni Estrada sa Radyo Veritas.
Matatandaang tinukoy sa Dutertenomics na sa loob ng anim na taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay handa itong maglaan at gumastos ng mahigit sa anim na trilyong piso upang paghusayin at gawing moderno ang mga kalsada, tulay, tren, paliparan at daungan.
Ayon sa kampo ng Pangulo, ang anim na taong ito ay magiging “Golden Age of Infrastructure.”
Samantala, ipinaalala naman ng Simbahang katolika na dapat isa-alang alang pa rin ng pamahalaan ang kapakanan ng maralitang Filipino at hindi ang kapakanan lamang ng mga naka-aangat sa buhay.