Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Disenteng trabaho, solusyon sa problema ng Filipino migration

SHARE THE TRUTH

 3,346 total views

Mas lalong kailangan tayo ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers.

Ito ang naging pahayag ni CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People’s chairman at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos lalo ngayong nasa matinding krisis ang mga Pilipinong illegal immigrants sa Amerika.

Ayon kay Bishop Santos, dapat magkaisa ang pamahalaan at ang Simbahan upang tugunan at proteksyunan ang kapakanan ng halos 300 libong illegal immigrants mula sa halos 3 milyong Filipino migrants sa Estados Unidos.

“Our government and we in the Church have a serious responsibility to help our citizens who are legal but more so our illegal immigrants who do not have the protection of the law in their host countries. It is the moment they need us desperately and we should extend to them assistance so they may gain access to all the remedies they can avail of. It is a relief to know that our government has allotted financial support for such situations,”pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Kaugnay nito, muling iginiit ni Bishop Santos sa pamahalaan na lumikha ng maraming disenteng trabaho sa Pilipinas upang matigil na ang pakikipagsapalaran ng mga Filipino sa ibayong dagat.

Binanggit rin ni Bishop Santos ang ilang programa ng Simabahan na tumutugon sa pangangailangn ng mga OFWs lalo na ang pagbibigay ng scholarship program sa kanilang mga anak na nag – aaral sa mga Diocesan at Catholic Schools.

“In the long run access to gainful employment in their own country is still the best solution so they would not desperately resort to illegal ways of working abroad. We in the church through the Commission on Migrants and Itinerant people have instituted ways to provide financial literacy, create livelihood programs. We have Diocesan schools providing scholarship grants especially to sons and daughters of our OFWs,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Patuloy naman nilang pinaalalahanan ang mga OFWs na respetuhin ang kultura at kagawian ng kanilang bansang tinutuluyan lalo’t nanganganib ang kalagayan ng ilang undocumented immigrants upang maiwasang malagay sa kapahamakan ang kanilang buhay.

Umapela rin si Bishop Santos kay US President Donald Trump na tratuhing makatao at may pagmamalasakit ang ilang Filipino illegal immigrant at mabigyan sila ng tamang abiso na naaayon sa batas.

“We constantly and repeatedly remind our OFWs to respect culture and customs of their host countries and obey their laws. We warn them of legal recriminations arising from their status. To protect themselves and not to put their future in danger, we advise them not to wait to be branded undocumented and be deported. At the same time we appeal to host countries to deal with their situations in the most compassionate and humanitarian means possible,” paglilinaw pa ni Bishop Santos.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 6,725 total views

 6,725 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 40,176 total views

 40,176 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 60,793 total views

 60,793 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 72,284 total views

 72,284 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 93,117 total views

 93,117 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas NewMedia

CBCP, nababahala sa kalusugan ng mga OFW

 3,431 total views

 3,431 total views Pinaalalahanan ng isang Pari ang mga Overseas Filipino Workers na panatilihin ang maayos na kalusugan at huwag abusuhin ang sarili sa pagtatrabaho sa

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Price monitoring policy, ilalabas ng DOE

 3,077 total views

 3,077 total views Nakatakdang maglabas ng isang polisiya ang Department of Energy upang mahigpit na masubaybayan ang mga presyo ng petrolyo sa merkado at maprotektahan ang

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Bakuna, population control ng gobyerno

 3,083 total views

 3,083 total views Salapi ang nakikitang dahilan ni Dr. Dolly Octaviano, President ng Doctors for Life Philippines kung bakit patuloy ang pagsusulong sa paggamit ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top