Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Filipino youths, hinimok na makibahagi sa taon ng parokya

SHARE THE TRUTH

 227 total views

Pinaalalahanan ng CBCP Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na aktibong makilahok sa selebrasyon ng taon ng parokya sa susunod na taon (2017).

Ayon kay Father Kunegundo Garganta, Executive secretary ng komisyon, mahalagang maranasan ng mga kabataan ngayong pasko hanggang sa susunod na taon ang buhay parokya sa sarili.

Inihayag ng Pari na mahalaga ang pakikilahok sa pamayanan na nag-uugat sa pananampalataya sa Diyos.

“Maganda po na paalalahanan natin ang ating mga kabataaan lalu na ang ating paglalakbay para sa papasok na taong 2017, ay nagpapaanyaya para sa karanasan na maging parokya ang ating buhay kung saan sama-sama ang iba’t-ibang mga maliliit na pamayanan. Siguro magandnag tutukan ng ating kabataan yung karanasan ng pagbabalik na parang nagbabalik sa isang pamilya at ito yung ating parokya kung saan ating inuugat ang ating buhay sa pananampalataya,” paliwanag ni Father Garganta.

Nais ng pari na maranasan ng mga kabataan na hindi sila nag-iisa at mayroong kaugnayan sa kapwa ang kanilang paglalakbay patungo sa pananampalataya.

“Mahalagang maranasan ng bawat kabataan na maging kaisa ng pamayanan para sa pagdiriwang ng taon ng parokya. This is really a beautiful way of living, really the motto of our journey towards 2021. At maraming paanyaya sa ating mga kabataan sa pagdiriwang ng kapaskuhan na maging may pagtingin hindi lamang sa sariling kasiyahan at kagalakan kundi makita na ang pagdanas ng kasiyahan ay inilalahok ang iba, ito ang karanansan ng pagbabalik,” pahayag ng pari.

Ngayong taong 2016, nagdiriwang ang Pilipinas ng taon ng “pamilya at eukaristiya” at sa 2017 ay taon ng parokya na bahagi ng limang taong paghahanda para sa selebrasyon ng ika-500 taon ng katolisismo sa bansa na gaganapin sa Cebu City sa 2021.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,134 total views

 40,134 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,222 total views

 56,222 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,702 total views

 93,702 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,653 total views

 104,653 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 25,880 total views

 25,880 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 3,454 total views

 3,454 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 41,877 total views

 41,877 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 25,800 total views

 25,800 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 25,780 total views

 25,780 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 25,780 total views

 25,780 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
Scroll to Top