Tax reform program, pandaraya sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 730 total reads

Pandaraya sa taumbayan ang panukalang tax reform program.

Ito ang binigyang-diin ni Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) Founding board Member Sr. Emelina Villegas, ICM.

Ayon kay Sr. Villegas, anti-poor at mapanlinlang ang programa na nais ipatupad ng pamahalaan dahil tanging mayayaman lamang ang makikinabang dito habang mahihirap na mamamayan naman ang talo.

Kung papaboran ng Senado ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill o House Bill 5636, ang isang empleyado na kumikita ng mas mababa sa 250-libong piso kada taon ay hindi na kakailanganin pang magbayad ng income tax subalit tataasan naman ang buwis sa mga produktong petrolyo at sweetened beverages tulad ng softdrinks, kape at energy drinks.

“Ang tinatawag nating progressive tax reform, natutulungan talaga yung majority of the people. Hindi mo nga sila ita-tax sa suweldo nila pero mataas naman ang tax sa kinakain nila sa araw-araw, walang kuwenta iyon. That’s what you call hidden tax. In a way, it is cheating the people,” pahayag ni Sr. Villegas.

Sinasabing ang salaping kikitain sa tax reform program ang siyang susuporta sa pagsasakatuparan ng 8-trilyong pisong infrastructure project ng kasakuluyang administrasyon na magbibigay aniya ng libu-libong trabaho sa mga Filipino.

“Magkakaroon nga ng trabaho pero minimal ang effect niyan sa mga tao pero hindi nila magagamit ang mga infrastructure na yan kasi wala silang sasakyan, wala silang business. It will give them jobs but it will not increase their income in a way. Yung mga infrastructure na iyan, maganda yan, nakakabilib pero it will not give them more [benefits],” dagdag ng madre.

Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan noong Hunyo ang House Bill 5636.

Nauna rito, tinawag ng IBON Foundation na diversionary tactics lamang ang tax reform program ng administrasyong Duterte.

Read:
Tax reform program ng administrasyong Duterte, tinawag na diversionary tactics

Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika, mahalagang isaalang-alang ang kabutihang pangkalahatan sa anumang reporma na gagawin ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 82,215 total reads

 82,215 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 146,055 total reads

 146,055 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 236,655 total reads

 236,655 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 319,685 total reads

 319,685 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 410,440 total reads

 410,440 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 351,276 total reads

 351,276 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 457,370 total reads

 457,370 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top