Faith based-organization, nagsanib para sa humanitarian response

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total reads

Binigyang diin ni NASSA/Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Fr. Edu Gariguez ang kahalagahan ng mga ‘Faith Based Organization’ sa humanitarian response.

Kasabay ng isinagawang ‘Transforming Faith Into Action Forum sa Iglesia Filipina Independiente Conference Center sa lungsod ng Maynila katuwang ang National Council of Churches in the Philippines, Philippine Council of Ecumenical Churches, World Vision at Caritas Philippines, pinag-usapan ang pagkakaisa ng iba’t-ibang organisasyon ng mga Simbahan sa pagtugon sa oras ng kalamidad.

Ayon kay Fr. Gariguez, mahalaga ang papel ng mga Faith Based organization sa humanitarian response sapagkat kalakip ng pananampalataya ang pagtulong sa mga nangangailangan at naapektuhan ng kalamidad.

Giit ng Pari nararapat lamang na magkaisa ang mga Faith based Organization sa kabila ng magkakaibang pananampalataya.

“Higit sa bahagi ng pagtulong mas magiging epektibo [tayo] kung hindi natin titignan ang pagkakaiba natin sa pananampalataya kung paano tayo magtutulungan kahit iba-iba ang ating pananampalataya pero nagkakaisa tayo sa gawaing paglingkod.” ani Fr. Gargiuez.

Samantala, Inihayag ni Fr. Gariguez na magpapatuloy ang pagtulong ng Simbahang Katolika sa mga Muslim na apektado ng kaguluhan sa Marawi.

Aniya, bukod sa mga food at non-food items ay pinag-aaralan na ng Simbahan kung paano makatutugon sa bahagi ng psycho-social intervention sa mga Bakwits.

“Sa bahaging ito ay nakikipag ugnayan din po tayo sa ibang mga grupo na mas alam ang kultura ng Muslim para magkaroon din ng pagkakataon na mapatatag ang kanilang loob. Mahalaga din po ito sa Simbahan kasi mas higit na papel ng Simbahan ang pagbibigay ng pag-asa at hindi lang po pagbibigay ng bahay, pagkain kundi yung something intangible na mapalakas ang kanilang loob base sa kanilang pananampalataya” dagdag pa ng 2012 Goldman Enviromental Prize Awardee.

Magugunitang naging aktibo ang Simbahang Katolika sa pagtulong sa mga Muslim na naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi kung saan umabot na sa mahigit 12 milyong piso ang pondo na inilaan nito sa Humanitarian Response.

Read:
Simbahan, naghatid ng tulong sa Marawi bakwits
Obispo ng Marawi, labis ang pasasalamat sa cash at rice donations ng Caritas Manila

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 12,006 total reads

 12,006 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 14,334 total reads

 14,334 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 31,755 total reads

 31,755 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 81,535 total reads

 81,535 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 175,760 total reads

 175,760 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 236,249 total reads

 236,249 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 250,156 total reads

 250,156 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 328,631 total reads

 328,631 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 99,669 total reads

 99,669 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top