Impeachment complaint kay Sereno at Bautista, dapat bantayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 457 total reads

Hindi na mapipigilan ang dalawang impeachment complaint sa Kongreso laban kina Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Commission on Election Chairman Andres Baustita.

Ipinaliwanag ni Veritas 846 Senior Political Adviser Prof. Ramon Casiple, Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform, napaka-pulitikal ng proseso ng impeachment kung saan nakabatay o nakasalalay sa boto ng mga mambabatas kung sufficient in form and in substance ang inihaing impeachment complaint.

Dahil dito, marapat lamang bantayan ang mga kabuuan ng proseso at mga mga ihahaing ebidensya kaunay sa reklamo.

“Malaki ang chances niyan na magtuloy tuloy yan given yung mga super majority. Kung usapin lang ng may batayan tingnan natin kung may bago pero kung mga lumabas lang dun sa articles of impeachment mukhang malabo, ang problema sa impeachment napaka-pulitikal na process na dapat bantayan for the next few months…”pahayag ni Casiple sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Casiple, maituturing na napaka-pulitikal ng impeachment dahil sa nakasalalay sa mga mambabatas ang desisyon.

Sa ilalim ng Saligang Batas ang impeachment ay ang paraan ng pagpapaalis sa posisyon sa mga pinakamataas na opisyal ng bansa, kabilang na ang Presidente, Bise-presidente, Chief Justice at Justices ng Supreme Court at maging Chairman at Commissioners ng mga Constitutional Commissions.

May apat na pangunahing dahilan upang ipa-impeach ang mga opisyal kabilang na dito ang Treason o pagkampi sa kalaban ng bansa sa panahon ng giyera, Betrayal of public trust o pagtataksil sa tiwalang ibinigay ng taumbayan, Graft & corruption at anumang paglabag sa Saligang Batas.

Nagsisimula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang proseso ng impeachment kung saan uupo bilang piskal ang mga Kongresista na siyang magdedesisyon sa sufficient in form and in substance ang inihaing impeachment, kung mapatunayang sufficient in form and in substance ang naturang reklamo ay susunod naman sisiyasatin ang pagkakaroon ng matibay na ebidensya o kung may probable cause.

Matapos ito ay iaakyat sa Senado ang impeachment complaint kung saan magsisilbi naman itong Hukuman habang ang mga Senador naman ang mga Hukom na magsusuri at magdidesisyon sa kung nararapat bang tanggalin o hindi ang opisyal sa kanyang katungkulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 15,360 total reads

 15,360 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 50,008 total reads

 50,008 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 86,490 total reads

 86,490 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 104,702 total reads

 104,702 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 188,243 total reads

 188,243 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top