War on drugs ng administrasyong Duterte, instrumento ng kamatayan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 385 total views

Ugat ng kamatayan ang Oplan Double Barrel ng administrasyong Duterte.

Ito ang inihayag ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Bishop Santos, bukod sa buhay ng biktima ay kasama ring naglalaho ang pangarap at sakripisyo ng mga magulang lalo na yaong naghahanap-buhay sa ibayong dagat upang itaguyod ang naiwang pamilya sa Pilipinas.

“Again, with this reckless and senseless killing of Angelo Arnaiz, innocent life is lost and sacrifices of his OFW mother from Dubai are reduced to nothing. What left to her are continuous tears and sufferings. This failed and fruitless oplan: double barrel reloaded must be stopped. It is becoming evil and instrument of death,” pahayag ni Bp. Santos.

Bukod kay Carl Angelo Arnaiz, tinatayang umabot na sa 12 libo ang mga napatay sa loob ng dalawang taong kampanya ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga kabilang na dito ang estudyanteng si Kian Delos Santos at may 30 pang mga kabataan.

Kaugnay nito, hinamon ng Obispo si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang kanyang pangakong pagbibigay-proteksyon sa mga mamamayan at alalahanin ang papel na ginampanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) upang maluklok siyang pinakamataas na opisyal ng bansa.

“We at the CBCP ECMI reminds our President that OFWs elect him, believing and trusting he will protect them from abusive and erring government officials, especially now from the PNP,” ani Bishop Santos.

Sa datos ng Commission on Elections, 432,706 sa 1.37 milyong registered overseas voters ang lumahok noong 2016 National Elections kung saan 313,346 sa mga ito ang bumoto kay Pangulong Duterte sa pagkapangulo.

Sa kabila ng nagaganap na mga paspaslang, una nang nanawagan si CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa gobyerno na pairalin ang batas at hindi ang pamamayani ng baril at dahas.

Read: Pairalin ang batas at hindi pamamayani ng baril

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 17,026 total views

 17,026 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 38,301 total views

 38,301 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 211,650 total views

 211,650 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 232,638 total views

 232,638 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 213,999 total views

 213,999 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top