Layko, hinimok ng CBCP na manindigan laban sa karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga layko na manindigan laban sa mga nagaganap na karahasan sa bansa partikular na sa madugong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Pinaalala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na pangunahing tungkulin ng mga layko na dalhin ang mensahe ni Kristo sa anumang lugar sila naroon.

Ayon sa Obispo, kailangang maging mulat ang mga layko sa mga isyung panlipunan at manindigan sa hindi tamang nagaganap sa bansa.

“Paano sila magiging aktibo? una sa lahat dapat magkaroon sila ng malalim na kamalayan, awareness sa mga nangyayari, nag-aanalyze sila. Pinag-uusapan nila at pangalawa manindigan dapat sila, magsalita sila ayon sa sinasabi ng pananampalataya, ayon sa sinasabi ng mensahe ni Kristo, dahil sila ay tagasunod ni Kristo. Hindi ayon sa kanilang political affiliations, hindi ayon sa kanilang gusto,”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Aminado si Bishop Pabillo na isa sa nagiging problema ng mga layko ay pagsunod sa kanilang mga nais na paniwalaan at pangalagaan ang political affiliation sa halip na sundin ang sinasaad ng ebanghelyo.

“Ang problema ang ibang mga layko mas pinahahalagahan pa ang kanilang political affiliations kaysa sa affiliations nila kay Kristo. Dapat ang basehan natin sa pagtingin sa lahat ng pangyayari ay ayon sa ebanghelyo hindi ayon sa sinasabi ng kung sinong pulitiko diyan o kung sinong mga lider diyan. Dahil ang lider natin ay si Hesus so yan ay panawagan sa mga layko na maging gising na at manindigan dahil yan ang tungkulin nila sa lipunan dalhin ang mensahe ni Kristo kung nasaan sila.”dagdag pahayag ni Bishop Pabillo

Ginawa ni Bishop Pabillo ang hamon kaugnay sa nalalapit na pagtitipon ng mga layko sa selebrasyon ng National Laity Week na idadaos sa Diocese of Gumaca at Archdiocese of Iloilo sa September 16-20, 2017.

Naunang binigyan diin ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na nagiging instrumento ng kamatayan ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Read: War on drugs ng administrasyong Duterte, instrumento ng kamatayan.
Ang layko ay ang mga binyagang katoliko na 99-porsiyento ng kabuuang populasyon ng simbahang katolika na
83 milyon, habang ang isang porsiyento naman ay binubuo ng mga pari at mga madre.

Una na ring nanawagan ang Santo Papa Francisco sa international lay groups na magpatuloy na ibahagi ang mabuting balita sa alinmang larangan tulad sa politika, pagnenegosyo, bilangguan maging sa kanilang mga pinaglilingkurang tanggapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,644 total reads

 7,644 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,827 total reads

 42,827 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 79,311 total reads

 79,311 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,522 total reads

 97,522 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 181,444 total reads

 181,444 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top