Kongreso, tumalikod sa tungkuling protektahan ang buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 429 total reads

Muling kinondena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa pagbibigay ng isang libong pisong budget para sa Commission on Human Rights (CHR) sa susunod na taon.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos, kapabayaan at pagtalikod sa buhay na kaloob ng Panginoon ang pagkakait ng pondo sa lupon na nangangalaga sa karapatang sibil at politikal ng bawat Filipino.

“As elected officials their mandate is to make the life of every Filipino peaceful and prosperous, their lives stable and secured. And we can achieve these by promoting sustaining human rights. So they must not withhold budget for CHR. To withhold it, is to neglect life,” pahayag ng Bishop Santos.

Dismayado rin ang Obispo dahil sinasalamin ng ginawang hakbang ng Kongreso na mas binibigyang-prayoridad ng pamahalaan ang pagsasantabi sa buhay sa halip na pangangalaga nito.

“Their priority is not to value, not promote and not to preserve human life. With their decision, they give wrong signal that for them life is cheap,” dagdadg ni Bishop Santos.

Sa resulta ng isinagawang botohan ng mga mambabatas noong ika-12 ng Setyembre, 119 na kongresista ang pumabor na ibaba sa isang libong piso ang 2018 budget ng CHR habang 32 naman ang nagpahayag ng kanilang pagtutol dito.

Itinatag sa ilalim ng 1987 Constitution, ang CHR ay isang ‘independent office’ na pangunahing nangangalaga sa karapatan ng bawat indibidwal mula sa pang-aabuso ng estado kabilang na ang mga pulis at militar.

Una nang tinawag ni CBCP-Episcopal Commission on Mission Chariman at Sorsogon Bishop Arturo Bastes na ang pagbibigay ng isang libong pisong budget sa CHR ang pinakakahiya-hiya desisyon na ginawa ng kongreso.

Read: Isang libong pisong budget sa CHR, nakakahiyang ginawa ng Kongreso

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 64,833 total reads

 64,833 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,659 total reads

 143,659 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 177,104 total reads

 177,104 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 212,403 total reads

 212,403 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 436,286 total reads

 436,286 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,947 total reads

 297,947 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,929 total reads

 408,929 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top