Natatakot ka bang manindigan at lumaban para sa buhay?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 528 total reads

Hindi dapat mapagod ang mga mamamayan sa laban sa patuloy na mga paglabag sa karapatan ng taumbayan at sa hindi pagkilala sa dignidad ng buhay ng kasalukuyang pamahalaan.

Ayon kay Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez, Chairman ng Ecumenical Bishops Forum, dapat na magpatuloy sa pananawagan at paninindigan ang mga mamamayan laban sa Extra Judicial Killings, pang-aabuso ng mga militar sa mga katutubo partikular na sa kanayunan at patuloy na banta ng Batas Militar sa buong bansa.

Paliwanag ng Obispo, hindi kailanman dapat na pahintulutan ang anumang uri ng pang-aabuso at paglapastangan ng pamahalaan sa mga karapatan ng taumbayan.

“Panawagan dito natural ay yung mga karapatan ng mga mamamayan ay dapat na kilalanin at itaguyod at ipaglaban at ito ay nakikita natin na nalalapastangan sa mga EJK itong mga patayan, itong mga karahasan ng military sa ating kanayunan at yung banta ng paglaladlad ng Martial Law sa buong bansa…” pahayag ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito noong ika-21 ng Setyembre ginunita ang ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Batay sa tala sa ilalim ng Martial Law, tinatayang aabot sa higit 3,000 ang sinasabing pinaslang dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos habang tinatayang umaabot naman sa higit 75,000 indibidwal mula sa buong bansa ang biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at Rehimeng Marcos.

Samantala sa kasalukuyan ay nananatili naman ang pag-iral ng Martial Law sa rehiyon ng Mindanao na inaasahang magtatagal hanggang sa ika-31 ng Disyembre.

Gayunpaman patuloy na umaasa partikular na ang Simbahan na hindi na muling maulit pa ang mga naganap na pagsupil sa kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng panibagong diktadurya ng kasalukuyang Administrasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 180,333 total reads

 180,333 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 251,424 total reads

 251,424 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 284,871 total reads

 284,871 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 320,171 total reads

 320,171 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 539,529 total reads

 539,529 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top