Simbahan, tungkulin ang maging sanctuary ng whistleblowers.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 553 total reads

Magpapatuloy ang Simbahan bilang Sanctuary ng mga nangangailangan ng tulong at kalinga.

Ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, matagal na itong gawain ng Simbahan lalo na sa mga taong inaakalang walang kasalanan subalit napaparatangang nagkasala.

Sinabi ng Arsobispo na hindi ito ang unang pagkakataon na naging kanlungan ang Simbahan sa mga inuusig at maling pinaparatangan.

“Ang Simbahan ay noon pa ‘middle ages’ meron na po siyang sinusunod na sinasabing ‘right to sanctuary’. Ibig sabihin karapatan para humingi ng pagtatanggol o pagkukubli. At ang binibigyan ng right to sanctuary ‘yung inaakala ng taong simbahan na walang kasalanan, na inosente naman kaya lang accused ng mga paratang mali. So matagal na. Noong ako man ay lumaban sa jueteng, nagbibigay din ako ng sanctuary sa mga whistleblowers,” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag ni CBCP President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sinabi nitong may isang pulis na humihingi ng tulong sa simbahan upang isiwalat ang kaniyang nalalaman hinggil sa ‘quota’ o pagpaslang sa mga hinihinalang adik.

Sa Diocese of Caloocan, humingi rin ng pagkukubli sa simbahan ang ilang mga testigo sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos na pinaslang ng mga pulis.

Una na ring umani ng batikos ang pamahalaang Duterte sa kanilang giyera kontra droga dahil sa pagpaslang sa estudyanteng si Delos Santos na kabilang sa 30 kabataan na napatay sa Caloocan dahil sa operasyon kontra droga.

Sa loob ng dalawang taong kampanya ng pamahalaan kontra droga, may higit na sa 13-libo ang napapatay na iniuugnay sa ilegal na droga kabilang ang may 4,000 katao na namatay sa ginawang police operations.

At bilang tugon naman ng simbahan sa pagsugpo ng ilegal na droga, bumuo ang ang iba’t-ibang Simbahan ng community based rehabilitation sa mga drug dependent na nais na magbago na higit sa binibigyang diin ang pagpapatibay ng kanilang pananampalataya.

Ang Archdiocese of Manila ay may Sanlakbay Tungo sa Pagbabagong Buhay ay may higit na sa 20 mga simbahang may community drug rehabilitation mula sa kabuuang 94 na parokya.

Read: Misa ng pasasalamat sa 100-graduates ng church drug rehab, pangungunahan ni Cardinal Tagle

Read: Simbahan bukas ang pintuan sa mga nangangailangan ng tulong

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,271 total reads

 6,271 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,531 total reads

 41,531 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,015 total reads

 78,015 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,226 total reads

 96,226 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,223 total reads

 180,223 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top