Mga abogado, hinamong maging katuwang ng EJK whistleblowers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 683 total reads

Nanawagan ang dating mambabatas sa mga abogado na maging katuwang sa mga testigo ng extra-judicial killings lalo’t nagbukas na nang pinto ang Simbahan bilang santuwaryo ng mga nais na maglahad ng kanilang nalalaman sa war against drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Atty. Neri Colmenares, Presidente ng National Union of People’s Lawyers at dating kinatawan ng Bayan Muna Partylist, malaki ang maitutulong ng mga abogado para sa mga testigo lalo na sa hukuman.

“I really hope matibay ang loob nila, sana naman konsensya na lang talaga na hindi sila mapressure at magtestigo sila doon. And were glad that the church has offered sanctuary to them. At siguro mga lawyers, I’m also asking lawyers na tumulong sakaling may ganyan, para naman ma-record at masampa sa karampatang forum, sa korte o saan pa man ang mga kaso laban sa mga involved sa EJK,” ang pahayag ni Colmenares sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Paliwanag ni Colmenares, sa oras na tumestigo ang mga pulis laban sa war against drugs ng gobyerno ay isa itong malakas na ebidensya na state sponsored ang mga pagpaslang.

“Pangunahing problema diyan ay takot kasi walang awang pinatay ang kamag-anak nila, maari ding mangyari sa kanila. Pangalawa, ebidensya kasi lahat ng witnesses takot din magtestigo. Mabuti si Kian may CCTV. Ngayon kapag may pulis na pumasok at magsabing totoo iyan, di malakas na ebidensya ‘yun kasi eyewitness account ng isa mismong co-conspirator doon sa loob. Kapag meron nyan lalakas ang kaso at lalung mapapatunayan na ang Duterte administration, state sponsored ito at hindi lang gawa ng isang siraulong pulis,” ayon kay Colmenares.

Sa ulat may 13 libo na ang napapatay na may kaugnayan sa droga, kabilang na ang 4,000 katao na napatay dahil sa police operations.

Tinawag din ng dating mambabatas na ang nangyayaring pagpaslang sa mga drug addict ay pag-uusig laban sa mga mahihirap lalo’t kalimitan nang mga napapatay ay mula sa mababang antas ng lipunan.

Bukod sa pagiging santuwaryo, bumuo din ang simbahan ng mga community based rehabilitation bilang tugon sa problema ng bansa sa ilegal na droga, kabilang na dito ang Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay at Kaunting Pahinga ng Archdiocese of Manila, Salubong Caloocan ng Diocese ng Caloocan; Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago ng Diocese ng Novaliches at ang Pastoral Approach to Rehabilitation and Reformation ng Diocese ng Cubao.

Bago pa man ang kampanya ng administrasyon laban sa droga, higit sa 30 taon na rin ang programa ng Diocese ng Malolos sa mga lulong sa bisyo ang Galilee Homes na matatagpuan sa Dona Remedios Trinidad sa Angat, Bulacan at ang Fazenda sa Albay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,956 total reads

 57,956 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,144 total reads

 137,144 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,589 total reads

 170,589 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,887 total reads

 205,887 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,064 total reads

 430,064 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top