Social Doctrine of the Catholic Church, isasama sa curriculum ng mga Catholic school

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total views

Inaasahang maisasama na rin sa curriculum ng lahat ng mga Catholic schools ang pag-aaral sa Social Doctrine of the Catholic Church.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, mahalagang magkaroon ng pag-unawa ang mga kabataan sa panlipunang doktrina na tumatalakay sa mahahalagang usapin tulad ng paggawa, kalikasan, edukasyon at kalagayang pang-ekonomiya.

Sa aming pong diocese, sinusubukan muna namin na maintegrate ito sa school curriculum. Gusto naming tignan muna, kung ano ang magiging proseso kung paano ito maintegrate sa curriculum naming para sa religious education ng mga estudyante. Nag-umpisa po kami ngayon paunti-unti. We hope pagnag-succeed kami sa diocese, we will be able to share our experiences to other dioceses. Hopefully it will bring about change in our students and we will be able to integrate in our curriculum,” ayon kay Bishop Mallari.

Ayon sa obispo ang hakbang ay bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa Francisco na maipaalam sa kabataan ang mga gawaing sa ebanghelyo na makakatulong para sa pagsusuri ng sarili tungo sa pagbabago- una sa sarili, sa kapwa at sa buong mundo.

Paliwanag ng Santo Papa Francisco ang mundo sa kasalukuyan ay puno ng takot at karahasan na maari lamang maging makatao sa pamamagitan ng pagbabalik loob sa Diyos at pagmamalasakit sa kapwa.

Sinabi ng Obispo, magiging pilot schools ang may 11 catholic schools ng Diocese of San Jose lalu na sa senior high school.

Dagdag pa niya, kabilang na rin ang panlipunang katuruan ng simbahan sa magiging paksa sa mga pagtitipon ng mga Katekista para maibahagi rin sa kanilang pagtuturo sa kabataan sa simbahan at mga paaralan.

Actually sa mga seminars and gatherings of catechists all over the Philippines will be inviting also Fr. Richard to talk about YOUCAT and DOCAT para sa ganun gamitin ng mga katekista natin ito bilang mga resource books para sa ganun ay maantabayanan talaga ng mga katekista ang mga kabataan,” bahagi pa ng pahayag ni Bishop Mallari.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay na rin sa ginawang book launching ng DOCAT- ang aklat na naglalaman ng katuruang panlipunan ng simbahan na isinalin sa Filipino na akma para tamang pag-unawa ng mga kabataan na siyang pangunahing resource materials sa pagtuturo.

Ang Catholic Educational of the Philippines o CEAP ay binubuo ng 1,252 paaralan na matatagpuan sa 16 na rehiyon sa buong bansa.

Una na ring inilunsad ang YOUCAT o Youth Cathechism book ay handog ni Pope Benedict XVI matapos ang World Youth day sa Madrid.

Habang ang DOCAT o sa englis ay ‘to do’ – ay adapatation ng social doctrine of the Church na inihahandog naman ni Pope Francis sa kabataan at paghikayat sa higit isang milyong kabataan na magsasabuhay ng panlipunang turo na magsisimula sa bawat isa, sa lipunan hanggang pagbabago ng buong mundo tungo kapayapaan at pagmamahal sa pamamagitan ng gabay ng ebanghelyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 100,533 total views

 100,533 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 144,141 total views

 144,141 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 226,133 total views

 226,133 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 234,940 total views

 234,940 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 10,681 total views

 10,681 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top