Mananampalataya, dapat maging bahagi sa pagbabago ng mga nasa kulungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 461 total views

Tinatawagan ang bawat mananampalataya na maging bahagi para ibsan ang pangungulila at paghihirap ng mga taong nasa piitan dahil sa kanilang pagkakasala.

Ito ang mensahe ni Bishop Pedro Arigo, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa ika-30 pagdiriwang ng simbahan ng Prison Awareness Week.

Ayon pa sa mensahe ng obispo bawat isa ay may bahagi para sa paglago at pagbabago ng mga nakulong dahil sa pagkakasala sa batas na siyang layunin ng mga piitan ang itama ang mga pagkakamali upang muling maging kapakipakinabang na mamamayan.

“Today more than ever as we celebrate the 30th Prison Awareness Sunday, the Church urges us to reach out to those who are in need especially the prisoners to bring once more Christ’s light to those in darkness and to let them experience God’s saving action through our compassionate Love and Service,” ayon sa mensahe ni Bishop Arigo.

Hinihimok din ng CBCP ang pamahalaan sa pagkakaroon ng pagbabago sa justice system ng bansa maging ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga nakakulong.

Ayon pa kay Rudy Diamante, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care dapat gamitin ng Pangulo ang kanyang executive clemency powers para sa pagpapalaya ng mga matatanda at may sakit na nakapagsilbi na ng 20 taon sa kulungan nang maibsan na rin ang dami ng mga nakakulong.

“We also urge those in government, to make reforms in our criminal justice system a top priority particularly the Correction pillar, and explore alternative ways of dispensing justice other than incarceration and cruel degrading and inhuman punishment,” ayon kay Diamante.

Simula Oct. 23-29 ipinagdiriwang ng simbahan ang Prison Awareness Week na layuning ipamulat sa lipunan ang kalagayan ng mga bilanggo.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, 600 percent na overcrowded ang mga piitan sa bansa.

Sa datos, ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay may 93,961 ang mga detainees habang ang Bureau of Corrections naman ay may kabuuang 41,207.

Sa mensahe ni Pope Francis, hinihikayat ang bawat kristiyano sa pakikipag-ugnay hindi lamang sa mga mahihirap kundi maging sa nagdadalamhati tulad ng mga bilanggo nang maipadama sa kanila ang pag-ibig ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 19,892 total views

 19,892 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 90,005 total views

 90,005 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 164,619 total views

 164,619 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 244,697 total views

 244,697 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 287,044 total views

 287,044 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top