Batas Militar sa Mindanao, dapat na ring bawiin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total reads

Kasunod nang deklarasyon ng paglaya ng Marawi City sa kamay ng ISIS-Maute terrorist, panahon na rin para bawiin ng pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa buong rehiyon ng Mindanao.

Ito ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs (CBCP-ECPA).

Giit ng pari, ang digmaan sa Marawi ang pangunahing dahilan kung bakit nagdeklara ng martial law kaya’t ngayong matatapos na ang digmaan ay wala na ring dahilan na magpatuloy pa ito.

“Since sila na ang nagsasabi na Marawi was liberated. And the threat of terrorism ay na-lessen. Its hightime siguro na ang martial law sa Mindanao ay i-lift na nila. Kasi the very reason for the imposition of martial law ay ‘yung ngang nangyari sa Marawi. So now that they themselves claimed that war in Marawi is about to end. So its also high ttime to end the imposition of martial law and the President I think should be duty bound to do it asap,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Veritas Patrol.

Dagdag pa ng pari, maari ring magkaroon ng assessment ang militar hinggil sa banta ng terorismo upang matukoy kung dapat pang paabutin ng hanggang Disyembre ang batas militar.

Read: Pagkamatay ng ISIS-Maute leader, hudyat ng kapayapaan sa Marawi.

Una na ring pinalawig ng hanggang sa pagtatapos ng taon ang martial law sa Mindanao na dapat sana ay sa loob lamang ng 90 days.

Sa naging pahayag noon ng mga obispo ng Mindanao, umaasa silang hindi maabuso ang batas militar at kagya’t ding babawiin sa oras na matapos ang digmaan.

Sa pinakahuling tala, mula sa 1,000 katao napatay sa Marawi siege higit sa 900 sa mga ito ay mula sa panig ng mga terorista.

Sa isang mensahe ni Pope Francis, binigyan diin nito na walang nagwawagi sa digmaan sa halip ito ay nagdudulot ng pagkasira hindi lamang ng buhay kundi ang kabuhayan ng mga residente kung saan may kaguluhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 4,319 total reads

 4,319 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 39,667 total reads

 39,667 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 76,151 total reads

 76,151 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 94,362 total reads

 94,362 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 178,482 total reads

 178,482 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top