Mananampalataya, dapat maging bahagi sa pagbabago ng mga nasa kulungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 513 total reads

Tinatawagan ang bawat mananampalataya na maging bahagi para ibsan ang pangungulila at paghihirap ng mga taong nasa piitan dahil sa kanilang pagkakasala.

Ito ang mensahe ni Bishop Pedro Arigo, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa ika-30 pagdiriwang ng simbahan ng Prison Awareness Week.

Ayon pa sa mensahe ng obispo bawat isa ay may bahagi para sa paglago at pagbabago ng mga nakulong dahil sa pagkakasala sa batas na siyang layunin ng mga piitan ang itama ang mga pagkakamali upang muling maging kapakipakinabang na mamamayan.

“Today more than ever as we celebrate the 30th Prison Awareness Sunday, the Church urges us to reach out to those who are in need especially the prisoners to bring once more Christ’s light to those in darkness and to let them experience God’s saving action through our compassionate Love and Service,” ayon sa mensahe ni Bishop Arigo.

Hinihimok din ng CBCP ang pamahalaan sa pagkakaroon ng pagbabago sa justice system ng bansa maging ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga nakakulong.

Ayon pa kay Rudy Diamante, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care dapat gamitin ng Pangulo ang kanyang executive clemency powers para sa pagpapalaya ng mga matatanda at may sakit na nakapagsilbi na ng 20 taon sa kulungan nang maibsan na rin ang dami ng mga nakakulong.

“We also urge those in government, to make reforms in our criminal justice system a top priority particularly the Correction pillar, and explore alternative ways of dispensing justice other than incarceration and cruel degrading and inhuman punishment,” ayon kay Diamante.

Simula Oct. 23-29 ipinagdiriwang ng simbahan ang Prison Awareness Week na layuning ipamulat sa lipunan ang kalagayan ng mga bilanggo.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, 600 percent na overcrowded ang mga piitan sa bansa.

Sa datos, ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay may 93,961 ang mga detainees habang ang Bureau of Corrections naman ay may kabuuang 41,207.

Sa mensahe ni Pope Francis, hinihikayat ang bawat kristiyano sa pakikipag-ugnay hindi lamang sa mga mahihirap kundi maging sa nagdadalamhati tulad ng mga bilanggo nang maipadama sa kanila ang pag-ibig ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,307 total reads

 55,307 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,679 total reads

 134,679 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,124 total reads

 168,124 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,422 total reads

 203,422 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,725 total reads

 427,725 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,601 total reads

 16,601 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top