PNP,support agency lang sa war on drugs.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total reads

Nilinaw ng Philippine National Police na hindi pa nanghihimasok ang PNP sa war on drugs matapos ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa Philippine Drug Enforcement Agency ang pangunguna sa kampanya.

Inihayag ni PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Dionardo Carlos na kasalukuyan nilang tinututukan ang pagkakaroon ng isang matatag na community based recovery and wellness program.

Layon nitong mahigpit na bantayan ang bawat pamayanan mula sa krimen na dulot ng mga ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pag-papatrolya sa bawat kumunidad.

“At this time po zero po kami dyan sa operation ng Tokhang Zero po kami sa implementation ng Republic Act 9165 nagpofocus po kami dun sa community based recovery and wellness program and our patrol to prevent drug activities in the community as directed by the President in his Presidential Directive…” paglilinaw ni Carlos sa panayam sa Radio Veritas.

Nilinaw ni Carlos na mananatiling lead agency sa kampanya ang PDEA kahit pa muling ipag-utos ng Pangulong Duterte na muling pakikibahagi ng PNP.

Ipinaliwanag ng PNP spokesman na ang PDEA ang mandated ng batas na manguna sa war on drugs habang support agency lamang ang PNP.

“Ito po kapag ang direktiba o ang kautusan ng ating Commander Chief and Chief Executive, the Philippine National Police will follow the directive of the Commander in Chief and Chief Executive; pangalawa po the PDEA will still be the or lead agency in the implementation of the law kami po ay support agency to implement the law yan po ang amin pong gagawin…” pahayag ni Carlos

Sa ilalim ng Republic Act No. 9165, itinatag ang Philippine Drug Enforcement Agency para pangalagaan ang integridad ng mga mamamayan lalo na ang kabataan mula sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Matatandaang Ika-10 ng Oktubre ng ipinalabas ni Pangulong Duterte ang memorandum kung saan inatasan nito ang PDEA para solong pangunahan at pangasiwaan ang Anti-illegal Drug Operations sa buong bansa.

Gayunpaman, una nang inihayag ng Sr. Cresencia Lucero – Vice Chairman ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) na nananatili pa rin ang karahasan sa implementasyon ng anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan dahil marahas pa rin ang implementasyon ng PDEA sa kampanya kontra illegal na droga.

Read: Tuloy ang pagpatay sa war on drugs ng gobyerno

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,014 total reads

 5,014 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,142 total reads

 5,142 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,133 total reads

 10,133 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,538 total reads

 66,538 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,041 total reads

 190,041 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,022 total reads

 275,022 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top