Patuloy na pagsasawalang bahala sa karapatang pantao, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,786 total reads

Kinondena ng iba’t-ibang human rights groups sa isinagawang kilos-protesta sa Boy Scout of the Philippines monument ang patuloy na kawalan ng paggalang sa karapatang pantao sa bansa.

Ang pagkilos ay kasunod ng pagkakapatay sa retiradong pari na si Father Marcelito Paez ng Diocese of San Jose Nueva Ecija ng mga hindi kilalang salarin.

Iginiit ni Promotion of Church Peoples Response spokesperson at Rise Up for Life and for Rights convenor Nardy Sabino na lubhang hindi katanggap-tanggap sa mata ng Diyos at mata ng lipunan ang pagpaslang sa mga taong pumapanig sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

Binigyan diin ni Sabino na ang pagpatay sa pari ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao, pag-abuso sa kapangyarihan at pagsasantabi sa dignidad ng mga nasa laylayan ng lipunan.

“Ang implikasyon na ipinapakita nito na wala tayong maasahang paggalang sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte at mahalaga na maunawaan ng mga mamamayan ang sitwasyon at kumilos laban sa patuloy na pag-atakae sa karapatang pantao,” pahayag ni Sabino.

Sa ulat, si Fr.Paez ay binaril ng 9 na beses dakong alas-otso kagabi habang nasa kanyang sasakyan sa San Leonardo, Nueva Ecija na kauna-unahang pari na pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sinasabing bago ang pamamaril ay galing si Fr. Paez sa Provincial Jail ng Cabanatuan City kung saan tinulungan nitong makalaya ang political detainee na si Rommel Tucay – isang lider magsasaka na inaresto noong Marso.

Dahil sa madugong insidente, inihayag ni Roneo Clamor,Deputy secretary General ng Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights na walang saysay ang “Oplan Kapayapaan” ng kasalukuyang administrasyon dahil tanging kaharasan at kawalang seguridad ang nararansan ng mga mamamayan.

“The Duterte administration has gone wild going after those critics of his government whether they are from church sector or whether they are from legitimate people’s organization. We challenge the Duterte administration to condemn this latest killing against Fr. Tito Paez. This must be immediately investigated and perpetrators of these human rights violations must be held into account,” panawagan ni Clamor.

Kaugnay nito, kapwa umaasa ang PCPR at Karapatan sa mabilis na maisasagawa ng gobyerno ang imbestigasyon sa likod ng pagpatay kay Fr. Paez na kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao ng mga manggagawa at magsasaka.

Una nang kinondena ng Diocese ng San Jose Nueva Ecija ang marahas na pagpaslang at umaasang makakamit ang katarungan para sa paring pinatay.

Read: Pagpaslang sa pari ng Diocese of San Jose, kinondena

RCAM, magsasanay ng emergency management

 3,405 total reads

 3,405 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 3,533 total reads

 3,533 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 7,100 total reads

 7,100 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 63,502 total reads

 63,502 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 187,008 total reads

 187,008 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 272,154 total reads

 272,154 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 317,397 total reads

 317,397 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 423,487 total reads

 423,487 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top