Bishop Galido, malaking kawalan sa Duyog Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total reads

Malaking kawalan ang pagpanaw ni Iligan Bishop Elenito Galido sa Simbahan at sa pagbangon ng Marawi City na nalugmok dahil sa limang buwang digmaan.

Ito ang malungkot na pahayag ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña dahil sa pagpanaw ni Bishop Galido na kaniyang naging katuwang, sandigan at kumupkop sa kanya at mga mamamayan ng lungsod sa panahon ng pangangailangan ng prelatura.

Sinabi ni Bishop Dela Peña na pangunahing katuwang ng Duyog Marawi si Bishop Galido para sa relief operation at rehabilitation program sa pagtatapos ng digmaan.

“Kagabi, I lost my co- worker in the Marawi relief and rehabilitation program. Dapat dagdagan itong aking pagsisikap na maibangon ang Marawi. Bishop Galido was indefatigable partner in this gargantuan task of rehabilitation in Marawi,” pahayag ni Bishop Dela Peña.

Ang obispo ang pangunahing tumulong sa Prelatura ng Marawi sa kasagsagan ng digmaan noon sa pagitan ng Maute ISIS group.

Ang Iligan ang naging pansamantalang kanlungan ng may 200,000 sa higit 300,000 mga residente ng Marawi City.

Hinikayat naman ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang lahat ng mananampalataya na ipagdasal ang kaluluwa ni Bishop Galido.

“We ask you to pray for the eternal repose of the soul of Bishop Galido,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Si Bishop Galido, ang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Culture (CBCP-ECC) ay namayapa dakong alas-10 ng gabi December 5 matapos ang isang linggong pagkakaratay sa Mercy Hospital sa Iligan City dahil sa sakit na liver cirrhosis.

Ang obispo ay isinilang sa Malaybalay Bukidnon noong April 18, 1954. Inordinahang bilang pari noong 1979 at itinalaga bilang obispo ng Iligan noong March 2006.

Sa ulat ng CBCPnews.net Si Bishop Galido, ang ika-7 obispo ng simbahang katolika ang pumanaw ngayong taon.

Kabilang sa mga namayapang obispo sina Bangued Bishop Emeritus Cesar Raval, Bishop Leopoldo Tumulak ng Military Ordinariate of the Philippines, Bishop Rodolfo Beltran ng San Fernando La Union. Oktubre nang pumanaw si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal, Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos at buwan naman ng Nobyembre nang pumanaw si Talibon Bishop Emeritus Christian Vicente Noel.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 3,392 total reads

 3,392 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 3,520 total reads

 3,520 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 7,085 total reads

 7,085 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 63,487 total reads

 63,487 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 186,993 total reads

 186,993 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 272,139 total reads

 272,139 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 3,394 total reads

 3,394 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 3,522 total reads

 3,522 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top