Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na pagsasawalang bahala sa karapatang pantao, binatikos

SHARE THE TRUTH

 1,256 total views

Kinondena ng iba’t-ibang human rights groups sa isinagawang kilos-protesta sa Boy Scout of the Philippines monument ang patuloy na kawalan ng paggalang sa karapatang pantao sa bansa.

Ang pagkilos ay kasunod ng pagkakapatay sa retiradong pari na si Father Marcelito Paez ng Diocese of San Jose Nueva Ecija ng mga hindi kilalang salarin.

Iginiit ni Promotion of Church Peoples Response spokesperson at Rise Up for Life and for Rights convenor Nardy Sabino na lubhang hindi katanggap-tanggap sa mata ng Diyos at mata ng lipunan ang pagpaslang sa mga taong pumapanig sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

Binigyan diin ni Sabino na ang pagpatay sa pari ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao, pag-abuso sa kapangyarihan at pagsasantabi sa dignidad ng mga nasa laylayan ng lipunan.

“Ang implikasyon na ipinapakita nito na wala tayong maasahang paggalang sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Duterte at mahalaga na maunawaan ng mga mamamayan ang sitwasyon at kumilos laban sa patuloy na pag-atakae sa karapatang pantao,” pahayag ni Sabino.

Sa ulat, si Fr.Paez ay binaril ng 9 na beses dakong alas-otso kagabi habang nasa kanyang sasakyan sa San Leonardo, Nueva Ecija na kauna-unahang pari na pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sinasabing bago ang pamamaril ay galing si Fr. Paez sa Provincial Jail ng Cabanatuan City kung saan tinulungan nitong makalaya ang political detainee na si Rommel Tucay – isang lider magsasaka na inaresto noong Marso.

Dahil sa madugong insidente, inihayag ni Roneo Clamor,Deputy secretary General ng Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights na walang saysay ang “Oplan Kapayapaan” ng kasalukuyang administrasyon dahil tanging kaharasan at kawalang seguridad ang nararansan ng mga mamamayan.

“The Duterte administration has gone wild going after those critics of his government whether they are from church sector or whether they are from legitimate people’s organization. We challenge the Duterte administration to condemn this latest killing against Fr. Tito Paez. This must be immediately investigated and perpetrators of these human rights violations must be held into account,” panawagan ni Clamor.

Kaugnay nito, kapwa umaasa ang PCPR at Karapatan sa mabilis na maisasagawa ng gobyerno ang imbestigasyon sa likod ng pagpatay kay Fr. Paez na kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao ng mga manggagawa at magsasaka.

Una nang kinondena ng Diocese ng San Jose Nueva Ecija ang marahas na pagpaslang at umaasang makakamit ang katarungan para sa paring pinatay.

Read: Pagpaslang sa pari ng Diocese of San Jose, kinondena

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

20-PESO RICE

 6,758 total views

 6,758 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 15,359 total views

 15,359 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 23,884 total views

 23,884 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 36,234 total views

 36,234 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 70,694 total views

 70,694 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 105,576 total views

 105,576 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top