TRAIN law, anti-poor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,472 total views

Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program.

Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na pinakamabigat na kalbaryo sa mga mahihirap ang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte na Republic Act 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.

Ayon kay Bishop Pabillo, bagamat hindi na bubuwisan pa ang mga manggagawa na kumikita ng 250-libong piso pababa kada taon ay labis namang mapeperwisyo ang mga dukha at yaong mga nasa laylayan dahil sa pagpataas ng mga pangunahing produkto na kanilang kinikonsumo.

“Ang tax reform program maraming sumisigaw diyan, iyan ay against the poor kasi tataasan nila ang mga VAT na taxes para sa lahat. Kahit sinabi nila na tatanggalin ang income tax sa mga bracket ng minumum wage, ilan lang ang madadamay doon, pero kapag nataasan ang gastos ng lahat, lahat ay madadamay, kapag ita-tax natin sa gasolina, tatamaan ang lahat d’yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Dahil sa pingangambahang epekto sa mga maralita ng reporma sa buwis, nilinaw ng palasyo na pagkakalooban ng pamahalaan ng 200-piso kada buwan simula Enero sa susunod taon ang may nasa 10-milyong mahihirap na pamilyang Filipino habang 300 at 400-piso naman ang matatanggap na cash transfer ng mga ito sa 2019 at 2020.
Samantala, sa halip na taasan ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng tao, binigyang-diin ni Bishop Pabillo na mas nararapat na patungan ng buwis ang mga produktong nakakapaghatid ng panganib at masamang epekto sa kalusugan ng mga mamamayan tulad ng alak at sigarilyo.

“Sana nga mas tinax nila ang sigarilyo at alak para hindi na makakabili ang tao pero sa ganito na ang tinaasan ay mga common commodities ang madadamay talaga dito ay ang mahihirap,” dagdag pa ng Obispo.

Sisimulan ang pagpapatupad ang TRAIN Law sa January 1, 2018.

Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika, mahalagang isaalang-alang ang kabutihang pangkalahatan sa anumang reporma na gagawin ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 25,564 total views

 25,564 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 76,248 total views

 76,248 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 82,377 total views

 82,377 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 111,644 total views

 111,644 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 128,938 total views

 128,938 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 72,921 total views

 72,921 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 267,022 total views

 267,022 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top