2nd collection sa unang Lingo ng Kuwaresma, ilalaan para sa mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 413 total reads

Patuloy na ipagdasal at tulungan ang mga Overseas Filipino Workers maging ang kanilang mga kamag-anak na naiiwan sa bansa.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay na rin sa pagdiriwang ng simbahan ng 32nd National Migrants’ Sunday.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang ‘Welcoming Protecting and Integrating Migrants and Refugees na base sa panawagan ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa World Day of Migrants na ginanap noong Enero.

“The National Migrants Sunday is dedicated to the heroism and sacrifices of OFW’s and their families,” ayon sa pahayag.

Ang pagdiriwang ay kasabay rin sa pagkilala ng simbahan sa kabayanihan at paghihirap ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya.

Sa inilabas na circular ng Archdiocese of Manila, pinaalalahanan ni Cardinal Tagle ang mga parokya na ang 2nd collection para sa unang Linggo ng Kuwaresma ay ilalaan para sa National Migrants Sunday.

“This is also to remind parishes of the second collection on the 1st Sunday of Lent for the National Migrant Sunday,” ayon sa circular letter na nilagdaan ni Cardinal Tagle.

Base sa tala ang Pilipinas ay may tinatayang 2.2 milyong Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bansa na ang pinakamarami ay matatagpuan sa Gitnang Silangan.

At kamakailan lamang ay ilang pang-aabuso ang naiulat kabilang na ang pagkakatagpo sa bangkay ng isang O-F-W sa Kuwait na nagbunsod na ipatupad ng Pilipinas ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa nasabing.

Ang hakbang ay sinang-ayunan naman ni CBCP-Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrant and Itinerant People, Balanga Bishop Ruperto Santos kasabay na rin ng panawagan sa pamahalaan na paglikha ng mas maraming trabaho dito sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,236 total reads

 54,236 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,674 total reads

 133,674 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,119 total reads

 167,119 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,417 total reads

 202,417 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,775 total reads

 426,775 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,529 total reads

 16,529 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top