China, gagamiting special rights ang undersea discovery sa Benham Rise

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total views

Bagama’t hindi maaring gamiting batayan bilang pag-aari ang pagpapangalan sa limang undersea features ng China, nangangamba naman ang isang eksperto na gamitin din itong dahilan ng China para magkaroon ng special rights at privilege sa Pilipinas kaugnay sa Benham Rise.

Ito ang paglilinaw ni Professor Jay Batongbacal, Director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea.

“Maari nilang gamitin ang discovery na iyon bilang dahilan para humingi ng special rights or privileges from the Philippines parang additional argument na pressure tayo na bigyan sila, kilalanin ang kanilang preemptive rights ika nga dahil nauna sila,” ayon kay Batongbacal.

Ayon kay Batongbacal, bagama’t taong 2012 nang mapalunan ng Pilipinas ang pag-aari sa Benham Rise ay hindi naman umalma ang bansa sa pagpapangalan ng Chinese researchers sa ilang bahagi ng Benham Rise.

Ang Benham Rise ay hango sa pangalan ng isang US Navy Admiral noong 19th century at pinangalanang Philippine Rise noong nakalipas na taong 2017.

Ayon kay Batongbacal, hindi dapat maging kampante ang pamahalaan sa ginagawang pagpapangalan ng China na maaring gamitin laban sa Pilipinas para sa anumang interes lalut ang mga research team ng China ay may kaugnayan sa pagmimina.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang usapin ng China at Pilipinas sa West Philippines Sea sa kabila na rin ng desisyon ng United Nations Convention on Law of the Sea na ito ay bahagi ng Pilipinas.

Sa usaping ito, una na ring nanawagan ng panalangin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa maayos na resolusyon sa mga pinag-aagawang territoryo at ang patuloy na pangangalaga sa mga isla at maging sa yamang dagat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 45,341 total views

 45,341 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 78,423 total views

 78,423 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 106,774 total views

 106,774 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 174,506 total views

 174,506 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 194,503 total views

 194,503 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top