Ipahayag ang paninindigan laban sa divorce

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Nananawagan ang dating opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat na maging vigilant matapos makapasa sa ikalawang pagbasa ang divorce bill sa Mababang Kapulungan. ng Kongreso.

Ayon kay Fr. Melvin Castro, Chancellor ng Diocese of Tarlac, hindi dapat maging kampante ang tutol sa diborsyo sa mabilis na pag-usad ng pagtalakay ng panukala sa kabila ng walang katapat na panukalang batas sa Senado.

“We need vigilance and prayers,” panawagan ng pari.

Giit ni Fr. Castro- dating executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life, ang ginawang stratehiya ng Mababang Kapulungan ay ipasa ang ‘pressure’ sa Senado sa pamamagitan ng pagpasa ng panukala kahit wala itong katumbas na panukala sa Mataas na kapulungan.

“May masamang kultura ngayon sa House of the Representatives pasa ng pasa ng bill tapos bahala kayo sa Senate diyan, it’s not good. Ang problema kasi you are putting pressure sa Senate. Sana nga ay huwag silang ma-pressure,” ayon kay Fr. Castro.

Patuloy namang naninindigan ang simbahan na pagtutol sa diborsyo na siyang pangunahing pundasyon ng lipunan.

“Hindi ang lipunan ang nagtayo ng pamilya. Ang pamilya ang nagtayo ng lipunan. Basic unit ‘yan pahinain natin ‘yan buong lipunan at buong simbahan ang manghihina. Kaya huwag nating balewalain bantayan natin next week. Pasalamatan ang nag-NO at express your disappoint sa nag-YES sa divorce bill,” ayon kay Fr. Castro.

Hinikayat din ng pari ang mga mananampalataya na kumilos sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa mga mambabatas at ipahayag ang pagtutol laban sa panukala.

“Then let’s move on sa Senate. Sulatan ang mga senador. Iyong mga binoto natin, at ‘sabihin na binoto natin na binoto namin kayo sila pero hindi kami naniniwala sa divorce at huwag ninyong ipasa ‘yan. As many as possible diyan nila makikita na may public clamor,” ayon pa sa pari.

Sa report, may 24 na grupo ng mga layko ang nagpalabas na ng kanilang pahayag ng pagtutol sa diborsyo kabilang na dito ang Couples for Christ Global Mission Foundation, Prayer Warriors of the Holy Souls, Ang Ligaya ng Panginoon, Alliance for the Family Foundation, Inc., and Educhild Foundation, Inc.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,270 total reads

 55,270 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,644 total reads

 134,644 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,089 total reads

 168,089 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,387 total reads

 203,387 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,693 total reads

 427,693 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,599 total reads

 16,599 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top