Panggigipit ng pamahalaan sa human right defenders, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 330 total reads

Kinundina ng human rights group na In Defense of Human Rights and Dignity Movement o iDEFEND ang panggigipit ng pamahalaan partikular ng Bureau of Immigration sa mga international human rights defenders na nakikisimpatya sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa.

Ayon kay Ellecer Carlos, spokesperson ng iDEFEND na nakababahala ang magkasunod na hakbang ng Bureau of Immigration partikular na ang ginawang detention sa 71-taong gulang na Australian nun na si Sr. Patricia Fox dahil sa pagbibigay suporta sa mga magsasaka at mga katutubo at ang deportation noong linggo kay Party of European Socialists (PES) Deputy Secretary–General Giacomo Filibeck dahil sa black list order laban dito.

Giit ni Carlos, ang magkasunod na insidente sa parehong international human rights defender ay maituturing na isang paniniil sa karapatan sa pagpapahayag ng saloobin kaugnay sa pamamalakad ng pamahalaan partikular na ang kampanya laban sa ilegal na droga at ang implementasyon ng Martial Law sa Mindanao.

“We are alarmed at these operations as these may be pre-crackdown moves designed to warn the international community against criticizing the government’s anti-people policies. Both events are examples of repressive measures leveled against global human rights defenders by the government, which continue to implement a bloody war on drugs as well as Martial Law in Mindanao which violate the human rights of indigenous peoples,” pahayag ni Carlos sa Radio Veritas

Pagbabahagi ni Carlos, walang paglabag na ginawa si Sr. Fox sa kanyang Missionary Visa sa bansa sapagkat halos 3-dekada ng aktibo ang naturang madre sa pakikibahagi sa pagbibigay ng espirituwal at moral na gabay sa mga naaabusong magsasaka at mga katutubo.

Habang si Giacomo ay bahagi ng 2017 European fact finding mission na nagtungo sa Pilipinas noong nakalipas na taon upang tutukan ang mga kaso ng Extrajudicial killings na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa bansa.

Dahil dito, nangangamba ang iDEFEND na ang naturang magkasunod na hakbang ng B.I ay bahagi ng paraan ng pamahalaan upang mapigilan ang mga kritiko ng administrasyon na maisiwalat ang mga anumalya at hindi makataong programa ng paglabag sa karapatang-pantao ng mga Filipino.

Kaugnay nito, naunang nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa bawat isa na patuloy na manindigan sa pagsusulong ng karapatan pantao at huwag magpasindak sa anumang hakbang ng pamahalaan upang siilin ang karapatan ng mamamayang Filipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 34,199 total reads

 34,199 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,763 total reads

 70,763 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,974 total reads

 88,974 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 173,302 total reads

 173,302 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 209,113 total reads

 209,113 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,337 total reads

 38,337 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top